. COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Impormasyong 'Hi-Tech' Para sa Atin (Agosto 1, 2001) PARA SA mga kooperatiba at sinumang nagnenegosyo,
mahalaga ang impormasyon. Saan-saan makakabili ng mga materyales na
kailangan? Magkano? Sinu-sino ang mapagbebentahan ng produkto? Magkano
at ano ang kalidad ng mga produktong binibili na nila ngayon?
Makakasingit pa kaya tayo sa merkado?
Ganyang mga tanong ang kailangang alam sagutin ng negosyante,
laluna sa produksyon, para na makapagdesisyon. Ang magandang balita po
dito, may mapagkukunan ngayon ng mabilisang impormasyon. Ang tinutukoy po ni Ding, mga kaibigan, ay mga computer. Di na lang sa ating bookkeeping at paggawa ng report at sulat kapaki-pakinabang itong mga computer. Maganda nga kasi itong pagkakaimbento ng… yun bang sa pamamagitan ng telepono ay nakapag-usap na ang mga computer sa lahat ng dako ng Pilipinas at maging sa lahat ng dako ng mundo. Yung pagpapalitang-impormasyon ng mga computer sa pamamagitan ng mga telepono at mga satellite, yun po ang tinatawag nating Internet. ‘Hi-tech,’ ano? Talagang
‘hi-tech’ yan! Aba, sa “e-mail,” nakakasulat ka kahit saan sa
mundo sa loob lamang ng ilang minuto, at pwede mo pamg sabay-sabay na
padalhan ang maraming address. Meron pang “web site” na pwedeng
tingnan at basahin ng sinumang “on-line” o nakaugnay sa Internet
kahit nasaan siya sa mundo. Malaki nga’ng maitutulong n‘yan sa mga
koop! Pero tulad po ng alinmang bagay na kapaki-pakinabang, hindi basta-basta magagamit ng mga koop ang Internet. Kailangan muna ng sapat na kaalaman at kakayahan, di ba? Sa mga kooperatiba ngayon, ilan kaya ang aktibong “on line”? Kailangang
malaman ng mga koop na maraming kapaki-pakinabang na impormasyon sa
Internet. Kailangang malaman papanong kukunin ang impormasyong useful sa
kanila. Tapos, kung papaanong maglalagay ng kanila namang mga
advertisement. Ibig sabihin,
kailangang matuto silang magbasa at magsulat sa Internet, magbasa sa mga
isinulat ng napakaraming iba pa, at magsulat ng babasahin naman ng iba!
Gagastahan din ‘yan—para bumili ng computer, magbayad ng
serbisyo para pag-ugnay sa Internet, at magtutok ng ilang tauhan sa
ganitong trabaho. Baka nga
magdalawang-isip muna ang mga koop natin bago sumabak sa ganito. Oo nga! Laluna kung di nila nakikita na ang kooperatiba ay pagnenegosyo, sama-samang pagnenegosyo para sa sama-samang pag-angat sa katayuan ng mga myembro sa pamamagitan ng papalaking dibidendo at papalaking papel sa lipunan. Kung ang negosyo ng isang koop ay batay sa produksyon at pagbebenta ng produkto, kailangan talaga ang impormasyon para mahusay na makipagkalakalan sa mga kapwa-koop at sa mga kompanya, sektor, at ahensya ng gobyerno. Para nga lumakas at humusay ang sariling negosyo ng mga koop. Masusulit po ang mga pagsisikap at gastos sa ganito! Pero
tandaan nating ang mga computer, telepono at Internet ay mga kasangkapan
lang ng tao. Gugustuhin ba ng tao na gamitin ito? Papaano?
Para ito sa mabilis na ugnayan.
Pero nakikita ba ng mga tao, ng mga kooperatiba, na importante
ang ganitong pakikipag-ugnayan? Kung nakikita talaga nang husto ng mga koop ang halaga ng palagiang ugnayan at kapaki-pakinabang na mga transaksyon sa kanilang hanay, wala pa sanang Internet ay aktibo na silang nag-uugnayan at nagsasanib-sanib ng lakas, para sumulong ang kani-kanilang mga negosyo at para lumakas ang sektor-kooperatiba sa iba’t ibang pook at sa iba’t ibang linya ng industriya. Eh di ang lakas sana ngayon ng sektor-koop bilang isa sa mga haligi ng pambansang ekonomya! Parang sa ibang bansa. Pero hindi, eh! Kung
wala nga kasi ang ganyang buhay na diwa ng pagsasanib-lakas, kahit
tambakan mo ng computer ang lahat ng koop ay di rin nila magagamit nang
husto ang teknolohiya. Kaya’t
hamon po ang tanong na ito -- aling klase po ba ng koop ang mayroon tayo
r’yan? |
||
TINIG NG MGA
KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|