. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Higanteng Proyekto sa Agri-Tech (Hulyo 18, 2001) BUTI NAMAN at magaling na itong si Joydee! Ibig kong sabihin, mga kaibigan, magaling na sa naging sakit niya nang dalawang linggo. Welcome back, Ma’am! Salamat!
At ngayong kumpleto na uli itong Sanib-Kolum team, sabak na agad tayo sa
paksa. Sabi mo nga, napakabigat at napakalaki nitong paksa natin ngayon.
Tara na! Kasi nga po, tema ng seksyong koop ngayon ang mga agri-cooperatives at ang tinatawag na appropriate technologies para sa kanila, para sa pagsasaka, kaya simulan natin sa higanteng proyektong pansakahan na naging napaka-appropriate sa mga gumawa at gumamit nito sa loob ng ilang libong taon. Hanep
na sustainability yon! Napakatagal nilang nilikha, napakatagal nilang
ginamit. Ilang henerasyon nga po na tumagal ang proyekto. Kung di pa nga
nagkaproblema na sa irigasyon dahil sa pagnipis at pagliit ng mga gubat
sa bahaging ibabaw, tuluy-tuloy pa sana ‘yon! Environment na ang
naging problema. Ang tinutukoy po namin, mga kaibigan ay ang terrace farming technology sa hagdan-hagdang palayan doon sa Cordillera, partikular sa lalawigan ng Ifugao. Naging sagana po sa palay ang mga Ifugao nang libu-libong taon nang walang anumang modernong agricultural inputs at equipment. Ang Banawe Rice Terraces ay matagal nang kinikilalang “Eighth Wonder of the World” at kamakailan nama’y idineklarang World Heritage Site ng United Nations.
Eh
baka naman iniisip na ng mga mambabasa— may kuneksyon ba ito sa mga
koop. Eh wala pa namang koop noong gawin nila iyon, libu-libong taon
na’ng lumipas. Ganito po
kasi iyon, mga kaibigan, hindi man pormal na koop, walang opisyales,
walang listahan ng myembro at iba pang papeles na nakarehistro sa CDA,
mas totoong koop po ito sa maraming nakikita natin ngayon dahil tunay na
diwa po ng kooperasyon at pagbabayanihan ang umiral sa proyektong ito.
Kaiba
nga sa mga kabilang sa “Seven Wonders of the World,” hindi ginamitan
ng slave labor itong Banawe Rice Terraces. Collectively constructed,
collectively operated at cooperatively owned kapwa iyong proyekto at ang
ani, dahil sa social structure ng mga Ifugao. Eh di ninuno nga ‘yon ng
lahat ng cooperative projects sa Pilipinas. At hindi pa nga napapantayan
sa laki! Ngayon, paano nating papatunayang cooperative effort nga iyon? Angkop ang irigasyon ng terrace agriculture, pero madaling masabotahe dahil madali namang bumutas sa mga pilapil para padaluyin agad ang patubig sa isang mas mababang palayan. Kaya kailangan ang honor system na nakaugat sa tunay na pagkakaisa. Hindi sana tumagal nang libu-libong taon iyon kung walang ganoon. Kaya, mga kaibigan! Di dapat kapusin ng inspirasyon ang agri-coops natin. Alinmang teknolohiya ang angkop gamitin, isipin natin ang pinaka-diwa ng koop: sama-samang pag-ambag sa sama-samang pagnenegosyo, sama-sama rin sa ginhawa! Sige po, hanggang sa muli! |
||
TINIG NG MGA...
...KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|