. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Kooperatibismo sa Lyrics ng Isang Kanta (3) (Setyembre 12, 2001) HETO na tayo sa huling bahagi ng paliwanag sa lyrics ng “Sama-sama, Sanib-Sanib,” isang kantang ginawa ukol sa pagsasanib-lakas na aplikableng-aplikable sa mga kooperatiba. Kailan
natin ituturo sa kanila ang tono? Ituturo muna natin kay Regine Velasquez, o kaya kay Aiza, para maisama sa susunod nilang single. Pero baka mas bagay ‘to sa grupong Hagibis! Hahaha! Uunahin na nating turuan ang mga kasama natin dito sa Bayan News. Sa serye kasi ng mga pag-aaral ng Bayan News Coop, na idinaraos ng PUP Institute of Cooperatives, kinuha ako ng IC para humawak ng isang paksa – tungkol sa pamumuno sa koop – at malapit na malapit na ang schedule nito. Ang
huling linya po ng kanta, mga kaibigan, ay ganito: (Pakanta:)
Sanib na sa isang pag-aambagan, sanib din sa kasaganaan! Pag-aambagan. Katulad po ito ng pagdadamayan na malapit sa puso at karanasan ng mga Pilipino. Nag-aambagan tayo para dumamay sa mga nasalanta ng sunog, baha o iba pang kalamidad, nag-aambagan din para may maiabuloy sa mga namatayan. Ganoon. Pero ang katagang ambagan naman ay pwede ring gamitin sa masayang pagkakagastahan, di ba? Oo! Halimbawa, ambagan para sa isang surprise birthday party.
Ambagan para maibili ng malaking regalo ang isang katrabaho o ang boss.
At kung gayon, pwede talaga tayong mag-ambagan para makabuo ng
puhunan sa sama-samang pagnenegosyo. Mismo! Ang ganitong pag-aambagan ay… masaya! Papasulong! Hindi lang para makaraos o makaahon ang sinuman sa isang kinasadlakang krisis. Pero
bakit nga ganoon, ano? Parang
laging mas matingkad sa kamalayan nating mga Pilipino yung mga krisis,
mga kalamidad, matitinding kagipitan…
Samantalang pwede ngang para sa masaya at papaunlad na bagay ang
ipinag-aambagan? Ang karaniwang Pilipino kasi, mahihirap. Ganoon na ang nakasanayan natin. Ang masama pa nito, mukhang nadamay na ang konsepto ng kooperatiba, lalo’t marami sa mga kooperatiba ay credit cooperatives. At sa karaniwang Pilipino, ang pangungutang ay halos palaging nakadikit sa kagipitan, bihira sa atin ang nangungutang ng ikakapital sa negosyo. Kaya
ang sinasabi natin sa huling mga linya nitong kanta, mag-ambagan tayo
nang sama-sama at ang maaasahan nating bunga ay pagsama-sama rin sa
kasaganaan. Kasaganaan talaga yan, ha! Hindi kasapatan lang! Ang gusto nating mangyari pagdating ng panahon… ang kooperatiba ay behikulo ng pag-asenso, di lang panagip sa gipit. Ganoon
nga po, mga kaibigan. Pararamihin,
palalakasin natin ang mga koop na nasa produksyon, nasa marketing, nasa
malalaking negosyo. Mag-aambagan
ng mas malalaking kapital ang mas maraming myembro at susulong ang sama-samang
negosyo sa mas malalaking tubo, mas malalaking dibidendo, sama-samang
pag-asenso. At diyan po nagtatapos, mga kaibigan, ang mga paliwanag namin ni Joydee tungkol sa kakaunti lang namang mga linya ng awiting Sama-Sama, Sanib-Sanib, na pwede ngang maging balangkas ng pag-aaral ng mga kooperatiba. Ano kaya, i-tape kaya natin ‘tong kanta at paramihin natin ang kopya. Baka maging mabenta, eh di kikita tayo. Hahaha! Pati mga magbebenta, bibigyan nating ng komisyon. Itatanong
ko sana kung s’an tayo kukuha ng kapital, pero ‘lam ko na’ng sagot
mo. Ano pa
nga ba?! Eh di mag-ambagan
tayo ng kapital, tapos hati tayo sa kikitain.
Pero teka, may koop bang dadalawa ang myembro?
Ah, alam ko na! Humatak
tayo ng maraming mangangapital, kakanta at magbebenta.
Mas masaya yon! O,
di ba?
|
||
TINIG NG MGA
KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|