. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Kooperatibismo sa Lyrics ng Isang Kanta (2) (Setyembre 5, 2001) NABANGGIT
NA namin ni Joydee, nitong naunang labas ng kolum na ito, yun ngang
kanta na tungkol sa pagsasanib-lakas sa mga kooperatiba.
Naibigay pa nga naming ang lyrics. Nakakatawa
nga, dahil ang lyrics ay dapat kinakanta. Pero dahil kolum nga ito na
binabasa, tinula mo na lang.
Hahaha! Ngayon
naman po, pagtutulungan naming ibahagi sa inyo ang pinakamahahalagang
mga salita dito, yung mga phrases na talagang kinargahan naming ng laman. At
para naman maalala n’yo, mabuti siguro’y ipaulit natin kay Ding ang
lyrics.
Madali
lang yan, maikli lang naman eh.
Yung mga nakakaalam na ng tono, pwede nang kumanta (yung mga
taga-Bulacan, Laguna at Batangas atsaka Metro Manila diyan, na
nakapag-aral nga nito, ready na ba kayo?). O, heto na… Sama-sama,
sama-sama, Napakahirap man ay kaya rin nating gawin! Sanib-sanib,
sanib-sanib
Sa ating layunin, kilos at sa kakamtin! Sama
na at nang magsalimbayan
Ang ating mga kakayahan! Sanib
na sa isang pag-aambagan,
Sanib din sa kasaganaan! Tapos,
may refrain na halos pag-uulit-ulit ng mga katagang “sama” at
“sanib.”
Yon! Simulan
natin dito sa “napakahirap,” mga kaibigan.
Dapat nating idiin ang malaking kaibhan ng napakahirap gawin sa
imposible talagang gawin.
At kung sama-sama talaga nating haharapin ang anumang gawain,
kayang gawin yan!
Hindi naman sinasabi ng kanta na magiging madali.
Pero kaya.
At may dalawang bagay sa katagang “sama-sama.” Una, marami ba
talaga ang nagsasama-sama o konti lang?
Pangalawa, mahusay ba ang pagsasama-sama, nagtutulungan ba nang
mahigpit, may teamwork ba? o para bang basta magkakasama lang sa isang
kwarto pero di halos nagbabatian? Marami
ngang organisasyon na ang nagsasama-sama lang halos ay ang mga pangalan
nila sa listahan ng mga myembro.
Papano namang magtutulungan yung mga pangalan??? Okey,
puntahan naman natin itong pagsasama-sama sa layunin, sa kilos at sa
kakamtin.
Kailangan talaga diyan, sa lahat ng tatlong ito nagsasama-sama.
Kasi, pwedeng pagsama-samahin ang mga tao, at pumapayag naman
silang magsama-sama, sa kilos lang, pero hindi naman pala mahigpit na
nagkakaisa sa layunin.
Lalo na po kung di rin sila magsasama-sama sa kakamtin, aba’y
mukhang nagkakagamitan yata!
Di rin naman pwedeng magkaisa lang sa layunin, tapos ay manonood
na lang ang karamihan at konti lang ang gagalaw.
Pag ganyan, mayroon tayong dalawang samahan-- samahan ng mga
gumagalaw para sa layunin, at yung mas malaking samahan ng humahanga sa
kanila dahil sa layunin lamang pala nila kaisa. Isang
magandang salita dito yung “salimbayan”
Yung salitan, sabayan. Parang mga umaawit sa koro o tumutugtog sa
orkestra.
Iba-iba ang tono at iba-iba ang kumpas nila pero pag pinakinggan
mo nang magkakasama, ang ganda!
Nandyan po yung harmony ng iba’t ibang tono, tapos may
counter-pointing ng iba’t ibang kumpas.
Ano ba ang magandang halimbawa?
Alam ko na! “Are you sleeping, are you sleeping, Brother John,
Brother John?” Nasubukan na ba ninyo ang pagsasalimbayan nito? Ang
importante sa salimbayan ay ganito: hindi kailangang pare-pereho para
magsama-sama nang maayos.
Sa magagaling na teamwork nga, iba’t iba talaga ang kakayahan.
Yun ang sinasabi ng kanta na kailangang ibunga ng pagsasama-sama. Ayos, ano? Pero kapos na naman tayo sa ispasyo, Pakitago na lang itong lyrics para sa pagpapatuloy namin ng pagpapaliwanag ay di na kailangang tulain ko pang muli ang kanta.
|
||
TINIG NG MGA
KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|