.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Kooperatibismo sa Lyrics in Isang Kanta

(Agosto 29, 2001)

ISANG NAPAPAGKATUWAAN naming gawin paminsan-minsan, mga kaibigan, ay ang magkantahan, yun bang tinatawag na "jamming."   Buwan-buwan pa nga kaming nagja-jamming na magkakagrupo diyan sa Earthlite sa C.O.D. sa Cubao pag New Moon. Tawag doon, “Sanib-Tinig.” 

Sayang nga’t binabasa lang, hindi naman naririnig ang kolum natin. Aba, kahit wala pong gitara, mga kaibigan, sumasabak kami!  Pero di naman ‘yon ang dahilan kung bakit maulan ngayon…

(Pakanta) “Pangako, di kita iiwan, Pangako…” (Ibang tono) “Pagdating ng panahon…”

Hindi pa natin naja-jamming yang mga ‘yan, ah!  ha ha ha!   Feeling-Aiza ka diyan, ha!  Ituro na lang natin sa kanila yung kantang ginawa mo tungkol sa pagsasama-sama.  (Pakanta) “Sama-sama, sama-sama…”   Itinuro mo na ‘yon sa mga cooperative leaders sa Bulacan, di ba?  (Pakanta uli) “Sanib-sanib, sanib-sanib…”

Hindi naman talaga ako’ng gumawa n’on!  Folk song ‘yon mula sa Israel.  Puro “tzena-tzena” lang halos ang naaalala kong lyrics. Di ko nga maintindihan, nilapatan na lang natin ng ibang titik – Tagalog na.

Tagalog na Tagalog!  At napakasigla ng tono.  Ginawa mo nga yatang dagdag na panggising d’on sa seminar ng binubuong koop sa San Pedro, Laguna, di ba?  Sige. Dahil di rin lang nila maririnig ang tono…  I-recite mo na lang!  Heto po, mga kaibigan, wala sa tono dahil wala talagang tono dito sa binabasa n’yong sanib-kolum… Heto na siya 

Sama-sama, sama-sama,

Napakahirap man ay kaya rin nating gawin!

Sanib-sanib, sanib-sanib

Sa ating layunin, kilos at sa kakamtin!

Sama na at nang magsalimbayan

Ang ating mga kakayahan!

Sanib na sa isang pag-aambagan,

Sanib din sa kasaganaan!

Tapos, may refrain na halos pag-uulit-ulit ng mga katagang “sama” at “sanib” Yon!

Di ba uulitin na naman yon, pabilis nang pabilis…?  Hanggang sa humahabol na sa paghinga ang mga kumakanta at nagigising talaga, kasama pa ang pagtawa! 

Oo.  Panggising ngang talaga.  At sa pag-uulit-ulit naman, may nagigising pang iba maliban sa sigla ng katawan. Yun namang kamalayan sa prinsipyo ng pagsasama-sama, ng pagsasanib-sanib ng mga layunin, mga kakayahan, mga lakas, hanggang sa pagbabahagian o pagsasalu-salo sa mga ibinubunga.

Aba, pwede na ngang discussion outline yan tungkol sa synergism principle, ah!  Pati sa praktikal na aplikasyon ng prinsipyong yan sa buhay ng mga kooperatiba.  Mula sa pagsasanib-sanib ng mga layunin; tapos, sa pag-aambagan ng puhunan; pagsasalimbayan ng iba’t ibang kakayahan sa pagsasanib-sanib sa pagkilos…

Ang gusto ko rin talagang linya d’yan, laluna para sa mga kooperatiba, yung “sanib rin sa kasaganaan!”  Dahil may mga alam akong mga myembro ng  credit coop, ang gusto niya sa ginawa niyang pagsali ay meron lagi siyang mauutangan.  Pero sana, sa pagnenegosyo ng koop, aasensenso siya at di na laging mangangailangang mangutang!

Bow!  

 
   

TINIG NG MGA...

BAYAN

NEWS

...KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 

Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->
    BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

ack to SanibLakas website opening window  ??..