.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Maligayang ‘Pasko-op’!

(Disyembre 19)

NATAPOS na po namin ni Ding noong nagdaang labas nitong kolum ito ang mga paliwanag tungkol sa aplikasyon ng Seven Principles of Cooperativism na binuo ng International Cooperative Alliance.  Napaka-basic po ng mga prinsipyong ito na dapat sana nating makilala nang talagang malaliman.  Ngayong labas naman po ay babati na po kami sa inyong lahat ng isang taos-pusong “Maligayang Pas-

Basic na basic ngang talaga, Joydee! kaya dapat talagang isama sa mga pagsisimulan ng lahat pag-aaral tungkol sa mga koop.  Okey din naman yung mga pagsisikap ng ilan nating mga kaibigan na gumawa ng sari-sariling espesyal na bersyon na nauukol daw naman sa espesyal na mga klase ng koop. Pero bago siguro gumawa ng sari-sariling bersyon, batay rin naman sa Principles ng ICA, pag-aralan muna yung orig. Tapos, pahantungin ang talakayan sa mga partikularidad para makita ng mga nag-aaral kung kailangan nga bang may mga baguhin at kung anong pagbabago ang gagawin. Kung ayaw talaga nating kilalanin ang ICA Principles, di dumiretso na lang tayo mula sa sariling karanasan ng mga ninuno natin ukol sa bayanihan.

Sa diwa!  Diwa ng bayanihan talaga ang maganda nating pagbatayan! Pero kailangan ng iba pang batayan sa iba pang mga katangian ng koop, tulad na lang ng pagiging pormal na samahan ng mga nagkukusang sumapi, ang usapin ng mga pormal na struk­tura, pati ang pagharap sa usapin ng pera, hindi mahuhugot sa bayanihan yon!  Wala kasing pera-pera sa bayanihan, eh!  At ang bayanihan ay di pormal na samahan, kundi buháy na buháy na diwa ng pagsasamahan.

Kaya ang mas maganda pa siguro, pagsanibin na lang natin sa ating kamalayan ang diwa ng bayanihan at ang praktikal na mga tuntunin at gabay ng Seven Principles.  Hanapin n’yo po ang enumerations at mga paliwanag tungkol sa mga prinsipyong ito, kundi pa naibibigay sa inyo sa edukasyon ng koop! O, Joydee. Sorry naputol kita kanina. Babati na ba tayo? Sige…

‘Yan! Ipasok na natin!  Bumabati po ang Sanib-Kolum, bumabati kami ni Ding, ng isang Maligayang Pasko sa inyong lahat ng mga gumagawa at bumabasa ng paha­yagang Bayan News, ang tinig ng mga kooperatiba!  Merry Christmas sa inyong lahat d’yan, sa ngalan din po ng mga kasama naming nagtataguyod ng SanibLakas Foun­da­tion program for Cooperative Education on Synergism o C.E.S.!  At maganda si­gu­rong maidugtong natin dito mula sa nauna nating pag-uugnay ng Pitong Prinsipyo ng ICA sa diwa naman ng bayanihan:  Ang diwa po ng Pasko at ang diwa ng kooperatiba ay iisa. 

Ganoon nga po, at isama pa natin dito ang mga iba pang kahawig na diwa – pagbabahagian, pagtutulungan, bigayan, malasakitan, kapatiran, pagmamahalan… oo nga, bayanihan at kooperatiba at… Maligayang Pasko!  Yesss!!!     Sige nga, ilarga pa natin ang paliwanag…

Di ba, ang Pasko ay pagdiriwang ng lahat ng Kristiyano sa mundo ng kinikilalang tagapagbigay ng kaligtasan at pag-asa sa Sangkatauhan?  At di ba nagbilin nga si Kristo sa kanyang mga tagasunod na sila’y magmahalan, magdamayan, magtulungan?  At hindi lang puro kalangitan at kabanalan ang Kanyang mga ginawa, kung ibabatay sa Kasula­tan.  Naalala ko nga yung matapos Niyang magsermon sa kuwan… Matapos ang kanyang  Sermon on the Mount, pinarami niya ang tinapay at isda para mabusog ang mga tao.  At bago Niya sila iniwan, itinuro Niya ang paraan para paulit-ulit pang magawa ng mga tao ang ganoong milagro.  Kahit wala na Siya sa lupa.  Hawak natin ang paraan! Gawin natin!

Sundin lang natin ang pagmamahalan, pagbabahagian at pagtutulungan na sinabi nga Niyang gawin natin, mapaparami natin ang mga isda at tinapay at walang magutom!  Magan­dang regalo po sa May-kaarawan kung ang bibigyan natin ng diin ay ang diwa na akma sa mga habiling sa Kanya nagmula.  Sa maikling salita, Maligayang Pasko-op!   Pilít ba?  Ha-ha-ha-ha!

 
   

TINIG NG MGA...

BAYAN

NEWS

...KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 
Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->     BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

ack to SanibLakas website opening window  ??..