.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Pagpapakilala, at Panawagan sa Pagkakaisa

(Mayo 13, 2001)

MASYADO pang maaga ngayong unang labas ng kolum na ito para matiyak natin kung makakapasok na nga ba sa Senado si Obet Pagdanganan na kandidato ng mga kooperatiba, at kung alin-alin sa mga kooperatibang party-list ang makakaupo sa House of Representatives.  Dahil sa dami ng mga party-list organizations na nirehistro ng Comelec, pati na ang malinaw na di naman partido ng “marginalized sectors,” baka natabunan na nga nang husto ang mga koop sa botohan kamakalawa. 

Malalaman natin sa loob ng ilang araw, at tamang-tama ‘yan sa tema ng Seksyong Kooperatiba sa susunod na labas nitong Bayan News.

Masyado pa talagang maaga para magsimula na kami ng pagsusuri kung may napala kayang kapangyarihan sa Kongreso (Senado at House) ang kilusang kooperatiba, dahil hindi pa man lamang namin naipapakilala sa inyo ang kolum na ito na may bagong konsepto. Teamwork po ang paraan ng paggawa namin nito. 

Ako po si Ding Reyes, at ang ka-team ko rito ay si Joydee Robledo, kapwa kami namumuno ng isang samahang nakatuon sa pagbubuo ng mga teamwork o “pagsasanib-sanib ng lakas” sa lahat ng grupo ng mga tao. Iyan po ang layunin ng SanibLakas Foundation. Kapwa rin kami aktibong tumutulong sa pagpapalakas ng sektor ng kooperatiba sa ating bayan. Nakita kasi namin na kung mapanghahawakan at maisasabuhay lamang ng karamihan ng mga kooperatiba sa Pilipinas ang prinsipyo ng pagsasanib-lakas, magiging matibay ang bawat isa sa kanila, magiging mabunga ang kanilang mga negosyo, at magiging matatag na haligi ang sektor ng kooperatiba sa ekonomiya ng bansa. 

At sa pamamagitan nito, ang ekonomiyang ito ay mas makakatindig sa sariling mga paa at makakasulong tungo sa kasaganaan at kaginhawahan ng mas nakararami sa ating lipunan. Kaya naman pinagsusumikapan pa ng SanibLakas na matuto ng maraming aral sa pinaka-kaluluwa at sa sari-saring karanasan ng ating mga koop. 

Hayaan n’yong ituloy ni Joydee ang paliwanag.

Salamat, Ding.  (Para tayong nasa radyo nito, ah! Anong malay n’yo, baka darating din tayo diyan sa balik-radyo.  Sa Radyo Veritas po kasi kami nagkakilala, e!)  Tungkol sa “Sanib-Kolum,” ganito po ang gagawin namin. Ayon sa takdang tema para sa bawat labas ng seksyong ito ng pahayagan, pag-uusapan namin ang sarili naming mga nalalaman at opinyon, pati mga katanungan, gayundin ang mga pahayag ng mga pinuno at myembro ng iba’t ibang koop. 

Bale magsasagawa kami ng pagsa-“sanib-isip.” Ang anumang kaibhan sa pananaw ay makakapagpayaman ng usapan. Ganoon naman dapat, di ba?  Ang pagtatambalan naming ito ay para ring isang napakaliit at impormal na coop — parang isang kooperatiba sa esensya ng pagsasanib-kakayahan at maayos na pagsasalo sa matatamong pakinabang. Kaparaanan ito na akma sa mismong mensaheng nilalayong maipalaganap.

Ito pong kasama ko ay mas kilala sa propesyonal niyang pangalang Ed Aurelio Reyes. Marami po siyang nilahukan o pinamunuang adhikain, tulad ng pagsagip sa kapaligiran, kamalayan sa kasaysayan, karapatang pantao, at kalayaan sa pamamahayag.  Noon daw pong itinataguyod nila ang press freedom, nakita nilang mahalaga ang employment conditions ng mga taga-media. Kaya nagtayo sila ng mga unyon, nagtayo at nagpalakas ng pederasyon (na tinawag nilang KAMMPI), at itong KAMMPI naman ay nagtayo ng isang credit cooperative.  Iyon ang unang direct experience ni Ding sa kooperatiba. At natanim nang malalim sa isip niya ang kahalagahan at ang naging mga kahinaan ng kanilang kooperatiba.

Nitong huli, sa ngalan ng SanibLakas ay namuno na siya sa mga pormal na pag-aaral sa pinakaimportanteng mga prinsipyo ng kooperatibismo, at ang mga ito ay idinaos sa Metro Manila, Cebu, Tagbilaran, Iloilo, at ang pinakahuli, nito nang Mayo, sa isang kabubuong kooperatiba sa San Pedro, Laguna. Pinag-aralan din niya ang mga karanasan ng kooperatiba sa Padre Garcia, Batangas at Moncada, Tarlac. At sa pagiging editor naman ng mga aklat na inilalathala ukol sa tambalan ng mga koop at local government units (LGUs), nakakuha rin siya ng malawak na  pagtanaw at pagkakakilala sa sektor.

Pasukin na natin ang isang importanteng paksa kaugnay nitong katatapos na eleksyon…

Ipagdiinan po natin sa lahat ang pangangailangang magkaisa.  Tapos na nga po ang eleksyon, kaya itigil na nating lahat ang pulitikang nagpapanatili, o nagpapalala pa nga, sa mga hidwaan sa ating lipunan.  Kailangang-kailangan po nating pagkaisahin ang lahat ng mga Pilipino, para naman makapag-sanib-sanib tayo ng sari-saring kakayahan sa pagsusulong ng kapakinabangan ng lahat.  Ito po ang kauna-unahang panawagan nitong “Sanib-Kolum”. 

At ang mga kooperatiba ay may “k” na manguna sa pagtataguyod sa ganitong pananawagan, dahil esensya o kaluluwa nga ng kooperatibismo ang mahigpit na pagkakaisa, pagtutulungan, at pagsasalu-salo sa makakamit nating mga biyaya. 

 

 
   

TINIG NG MGA

BAYAN

NEWS

KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 

Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->
    BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

back to SanibLakas website opening window  ??..