. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Pagbubuo ng Pagkakaisa (Nobyembre 14, 2001) HULING ARAW na po natin ngayon dito sa Manila Midtown Hotel, mga kaibigan, sa ginaganap na panrehiyong kongreso ng mga kooperatiba sa Metro-Manila, ang atin pong National Capital Region. Talagang buháy na buháy ang Cooperatives Month kapag may idinadaos na maraming mga kapulungan ng ng iba’t ibang mga kooperatiba. Maganda
po itong tema nitong Ikalawang Kongreso ng Metro Manila cooperatives na
ginaganap ngayon, mga kaibigan, “Nagkakaisang Pananaw, Nagkakaisang
Kilusan”! Dapat talaga sa
mga kooperatiba, nagkakaisa. Hindi
lamang ditto sa NCR kundi sa buong kapuluan. Nag-Tagalog ka na naman nang English ang binabasa, ha! Okey, “One Vision, “One Movement!” tama po yan! Pero ano nga kaya ang tampok na nilalaman ng “one vision” na ito. Sana naitanong muna natin kay Fr. Anton! Alam mo, Joydee, dinadayo ko noon ang pagmimisa ni Fr. Anton sa Greenbelt, laluna yung mga homily. Ngayon naman ay aktibo siya sa kilusang koop! Paano kayang ihinugis 'tong “one vision” na 'to? Malamang
na malaki ang naging papel niya d’yan pero tiyak namang bunga ito ng
“the coop way” – pagsasanib-isip ng maraming koop, ng maraming
myembro. Ito na nga mismong
pagko-kongresong ganito eh malamang isang mahalagang parte ng proseso ng
paglilinaw sa magkakaisang pananaw na ‘yan. Kailangang-kailangan talaga ang pagkakaisang-pananaw para mabuo ang isang malakas na kilusang kooperatiba sa Pilipinas. Marami tayong koop, at marami rin talaga tayong mga lider-koop. Pero kung minsan, pag dumarami na ang mga lider, lalong hindi nabubuo ang pagkakaisa. Paano
nga kasi, kailangan talagang patingkarin sa diwa ng lahat yung sinasabi
natin sa kanta – kailangan, “Sama-sama, sanib-sanib!” sa halip na
nagpapagalingan at nagpapaligsahan ang mga lider.
Crucial question kasi sa pagkakaisa ng kilusang kooperatiba yung mga prinsipyo ng International Cooperative Alliance ukol sa kooperatibismo mismo. Lalo na yung Principle 6 na tungkol sa kooperasyon ng mga kooperatiba, na nakaugnay naman sa Democratic Member Control at sa Autonomy and Independence. Sa ICA Principle 6, mahalagang mga mekanismo ang segundaryong tulad ng mga unyon at pederasyon na binubuo ng mga primaryang koop. Doon naman sa Member Control, inililinaw na myembro ang sama-samang masusunod sa loob ng isang koop; doon naman sa Independence, inililinaw na ang isang kooperatiba ay hindi bahagi ng anumang mas malaking organisasyon na kokontrol dito. Ibig sabihin, demokratiko nga! Ang mga unyon, pederasyon at mga apex ng kooperatiba ay dapat kontrolado ng mga myembro nila, hindi ng mga lider. Ang mga lider na kontrolado ng mga myembro ay astang mga statesmen imbis na umastang mga pulitiko. Oo
nga, kaya imbes na mangyaring mahati-hati ang mga kooperatiba batay sa
kompetisyon ng mga lider, ang dapat ay pagkaisahin ng mga primarya at
ultimo ng mga indibidwal na kasapi ng kooperatiba ang lahat ng lider.
Yung mga lider na laging handang makipagkaisa sa iba, laging handang
makipagsanib-isip sa iba, sa layunin, kilos at kakamtin, yun lang ang
talagang kikilalaning lider. Ang
ganda sana, ano? Pero kailangan pa rin talaga ng matinding edukasyon sa mga kooperatiba ukol sa mga prinsipyo ng kooperatibismo. Pag kapos kasi ang edukasyon, laluna sa importansya ng mahigpit na pagkakaisa sa pagiging koop ng koop at sa pagiging coop movement ng coop movement, ang babagsakang tendency diyan ay magkanya-kanya, magkahati-hati, mag-agawan at magpaligsahan. At building blocks ng pagkakaisa ang ganitong mga lokal na pagpupulong. Sana, sa lahat ng rehiyon sa buong kapuluan ay magkaroon ng mga ganito. Pati ng mga provincial at municipal-level assemblies. Magandang halimbawa itong ginagawa dito sa Metro Manila. Mabuhay po ang lahat ng nagtulung-tulong para sa tagumpay ng 2nd Metro Manila Coop Congress! Palakpakan po natin ang ating sanib-galing! |
||
TINIG NG MGA...
...KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|