. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Kailangang-Kailangan: Mapagkaisang Pamumuno (Agosto 22, 2001) LALONG
KAILANGAN ngayon ang malalakas na kooperatiba para makaalalay sa lalong
papahirap na kabuhayan ng ating mga kababayan.
Ang problema, marami sa ating mga kooperatiba sa Pilipinas ngayon
ay hindi naman malakas.
Kaya di tuloy makilala at mapahalagahan ang kooperatiba bilang
sandalan ng mga myembro sa panahon ng kagipitan at tuntungan sana sa
sama-sama nilang pag-asenso.
Ano’ng masasabi mo, Joydee? Nasa
kalidad din ng pamumuno ‘yan, eh.
Ibig
mong sabihin, ‘pag magaling talaga ang pamunuan, malakas ang koop? Oo
naman!
Pero ang galing na sinasabi ko, yung galing na talagang pang-kooperatiba,
ha!
Ibig sabihin, epektibong pamumuno para mabuo nang matibay ang
kooperasyon ng buong kasapian, at epektibong pamumuno para maging
malakas ang pagnenegosyo ng koop mismo.
Kasama rito ang aktibo at mahusay na edukasyon. Sige,
sundan natin ‘yan.
Nasasabi na rin kasi natin sa mga pagsasanay at artikulo ng
SanibLakas Foundation na ang tunay na liderato sa isang malakas na
organisasyon ay hindi yung diktador na mag-uutos lang sa lahat. Hindi
rin yung superman o wonder woman na siya na lang ang gumagawa ng lahat
ng trabaho, at papalakpakan na lamang siya ng kasapian. Hindi po kasi
slave army at hinding-hindi rin fans club ang isang malakas na koop. Ang
talagang lakas kasi ng isang koop o anupamang organisasyon ay nasa ganap
na teamwork, nasa mahusay na pagsasanib-sanib ng pinalalaki pang
determinasyon at kakayahan ng lahat ng myembro. Ginanahan
ka naman d’yan, ah! Paborito
mo talagang paksa yan, ano? Pero
madugtungan ko lang sandali ‘yan.
Kaya nga sinabi ko kanina na nasa kalidad din ng pamumuno
nakasalalay ang lakas ng koop. Dapat
nating ilinaw na ang mga myembro ang pumipili ng pamunuan, kaya kalidad
pa rin ng pagpili ang mahalaga. Paano
ba natin pinipili ang mga direktor para sa Board ng koop?
Popularidad? Abilidad
magpasok ng pera na inuutang sa labas?
Malapit kay Meyor? Utang
na loob natin sa mga nagtayo at namuno sa koop mula noong nineteen
kopong-kopong pa? Ano
ba’ng hinahanap natin? May
naalala ako d’yan sa sinabi mong “malapit kay Meyor.”
Sa isang bayan po diyan sa Central Luzon, mga kaibigan, talagang
hindi kailangang malakas sa munisipyo ang koop. Yung munisipyo kasi ang
nangungutang sa koop para maipansweldo sa mga empleado, dahil naiipit pa
raw ang pondo nito sa national.
Kaya ang tatakbong meyor, dapat malakas sa mga koop! Tapusin
na po sana natin, mga kaibigan, ang panahon na ang pamumuno sa ating mga
samahan, lalo na sa ating mga kooperatiba, ay dinadaan sa pagka-diktador
o pagka-superstar.
Kooperasyon nga kasi ang batayan ng kakayahan ng kooperatiba, at
ang dapat ginagawa nito ay mahusay at matagumpay na pagnenegosyo bilang
isang koop. At
kailangang mabuo ang isang malakas na kooperasyon sa loob mismo ng Board
of Directors.
Hindi lang naman kasi yung Chairman of the Board ang Board.
Di ba, maganda ang kombinasyon sa loob ng pamunuan kung ang dati
nang mga pinuno, na marami nang karanasan, ay kasama ng mga bago, na mas
nakaayon naman at sanay sa bagong mga paraan ng pagpapalakas sa
organisasyon at sa mga bagong paraan ng pagnenegosyo?
Tama!
Imbes na magpaligsahan sa pwesto ang mga dati nang pinuno at ang mga
bagong pinuno, dapat silang matuto ng teamwork.
Paano silang mamumuno sa isang malakas na kooperasyon kung sila
mismo ay di marunong ng kooperasyon? Sa
mahigpit na teamwork ng mga pinuno, mas mabibigyan talaga nila ng
inspirasyon ang kasapian.
Di po chika lang ito, mga kaibigan, may mga lider-koop na ang
pamamaraan at asal ay talagang kumokontra sa tunay na diwa ng
kooperatibismo.
Kasiraan tuloy ng buong koop!
Wala na kaming tutukuying sinuman dito.
Tayong lahat na lang po sana ang tumingin. |
||
TINIG NG MGA
KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|