.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

 

Malasakit ng Koop sa Komunidad

 

(Nobyembre 28, 2001)

NASA ikapitong prinsipyo na po tayo ng pagkakakilanlan sa mga tunay na kooperatiba, ayon sa International Cooperative Alliance.  Malasakit ng koop sa kapakanan ng komunidad.

Eh, ito nga pong Seventh Principle, mga kaibigan, ay idinagdag na lamang ng ICA sa dating aanim, nang magpulong sila noong 1996.  Di ba may inilabas na ang Bayan News na artikulo ni Ma’am Hermie Manimtim tungkol dito?

Ang tinutukoy po ni Joydee ay artikulo sa pagpapairal ng Prinsipyo Syete sa iba-ibang bansa. Isinulat ‘yon ni Prof. Manimtim na academic chairperson ng Polytechnic University of the Philippines Institute on Cooperatives (PUP-IC).  Plug lang po sandali, mga kaibigan, ang artikulong tinutukoy namin at marami pang ibang paliwanag ay nasa kalalabas na librong Cooperatives and the Challenge of Synergism (Second Edition), Kami po ni Joydee, atsaka si Hermie, Tony Cruzada at Romy Lee Ancheta ang mga sumulat ng nilalaman.  Mabibili ito sa PUP-IC.

Okey na yang plug. Pasukin na natin ang lohika ng prinsipyong ito.  Ano nga ‘tong Prinsipyo Syete? Ang sabi dito, “Cooperatives work for the sustainable development of their communities through policies approved by their members.” Sa maraming paraan po nagagawa ito.  Unang-una na, nae-empower ng isang lokal na koop ang kanyang mga myembro, para umasenso sa kabuhayan. Nagiging mas aktibong consumer at taxpayer sila sa lokalidad. Tapos, nagkakaroon din sila ng kamalayan at kasanayan sa pamumuno at pag-oorganisa, kasama na syempre ang pag-aaral at pagpapatupad sa prinsipyo ng pagsasanib-lakas. Pag malusog ang samahan nila, bahagi na ito ng binhi para umunlad din ang pagsasanib-sanib ng lakas ng buong komunidad.

Naalala ko, “ripple effect” pa nga ang itinawag mo diyan noon, di ba?  At di lang sa kamalayan, na sektor-kooperatiba nga ang pangunahing magtuturo ng synergism principle sa buong lipunan.  May “ripple effect” din sa pangkabuuang pag-unlad ng komunidad at lipunan. Tapos, tulad ng idinidiin ni Sir Candy ng CDA, kapag nag-take over ang mga kooperatiba sa pag-aasikaso sa ilang mga serbisyo-publiko, mas maaasikaso na ng local government units ang iba pang mga trabaho sa pagpapaunlad ng lokalidad. Ito namang mga kooperatiba ay magka­karoon ng mas malaking papel sa pagtatakda ng mga plano at patakaran sa lugar. Eh di ayos!

Di ba, noong itinuturo mo sa Asian Social Institute ang Cooperativism and Sustainable Development, may idinidiin ka ring social capital!  Ipaliwanag mo rin dito.

Social capital. Importanteng resource ito ng komunidad at mahalagang bahagi ito ng kapital ng koop. Di lang kasi pera ang puhunan ng kooperatiba bilang negosyo, eh.  Maliban sa panloob na puhunan na kasama na ang kasigasigan at kakayahan ng mga kasapi, meron pang panlabas na puhunan sa anyo ng pagkakaisa ng komunidad. Ito nga ang social capital. Binubuo ito ng pagmamalasakitan at pagtitiwalaan ng mga taong bumubuo ng komunidad, at kamalayan at pagpapahalaga nilang lahat sa kanilang kultura, kasaysayan at sama-samang hinaharap.

Ito pong sama-samang hinaharap, mga kaibigan, kumbaga sa isang bangka, katatagan ito ng mga nakasakay na sama-samang magsagwan nang mahusay kahit nakakasalubong na ng malalaking alon, imbes na isa-isang maglundagan para kanya-kanyang lumangoy nang hiwa-hiwalay.  Kumbaga, sama-samang katapatan ito sa kasunduang walang-iwanan!  Di uubra ang koop ‘pag walang social capital ang komunidad!

Kung ganyan, parang isang malaking kooperatiba mismo yung isang barangay, syudad o munisipalidad. Matatag at maunlad!  At  yun namang mga probinsya, parang mga unyon at pederasyon, At ang pambansang ekonomya mismo ay pagsasanib-lakas ng maunlad na mga ekonomyang lokal! Aba, bilang ban­sa ay magkakaroon tayo ng lakas sa loob na tumatagal-tagal-tagal! at hindi na tayo makokontrol ng mga dayuhang negosyo sa globalisasyon!  Wow!

 

 
   

TINIG NG MGA...

BAYAN

NEWS

...KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 
Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->     BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

ack to SanibLakas website opening window  ??..