. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Malasakit at Kalidad ng Produktong Koop (Hulyo 35, 2001) PANAHON NA NAMAN ng mga sakit-sakit, dahil tag-ulan na.
Pero sumisingit pa ang mga araw na sobra naman kainit! Nagwawala na kasi
ang kalikasan sa sobra nang pinsala. Tapos, pag nagkasakit ka, gastos na
naman! Grabe talaga ngayon, ano? Korek ka d’yan! At may mga myembro ng koop na magsasabing “pass” daw muna sila sa koop dahil… yun nga, kayod muna nang husto para mapagkasya ang pera sa papalaking gastos. At meron ding mga nagpa-“pass muna” sa pagbabayad ng kanilang mga inutang sa credit coop. Pag ganyan naman, nanganganib na manghina o lalong manghina ang mga koop nila! Eh
itong mga koop pa naman sana ang dapat pinapalakas ngayon para maging
mga sandalan sa kagipitan. Pero, wala sanang iwanan, dapat patindihin pa
nga ang sama-samang pagnenegosyo sa mga koop. At sana naman, buhos na
buhos ang mga koop sa pag-alalay sa mga myembro sa ganitong panahon ng
kagipitan. Oo nga! Pero papanong magiging mabunga ang negosyo ng koop sa panahon nga ng kagipitan para sapat na makaalalay sa mga myembro? Nakasalalay po, mga kaibigan, sa kalidad ng produkto, sa kalidad ng serbisyo sa kanilang pagnenegosyo. Kung mataas ang kalidad ng produktong ginagawa at ibebenta, magandang serbisyo ito sa lahat ng bibili, at tatangkilikin ng mga bibili, at lalakas ang negosyo na pag-aari ng mga myembro. Makakagagawa ng pinakamalaking pag-alalay sa mga myembro ang isang koop kung merong business viability o katatagan sa negosyo. Syembre, ang tatangkliking produkto ay yung may mataas na kalidad at reasonable namang presyo. Ang produkto ng koop ay dapat gusting bilhin ng myembro at ikinararangal na ibenta ng mga myembro, at gusto talagang bilhin ng mga tao dahil sa kalidad nito! Nadale
mo na naman, Ma’am! Minsan,
may nakausap akong myembro ng koop sa Palawan. ‘Kwento niya, silang
mga myembro ay required bumili, at magtinda pa sa iba, ng produkto ng
koop nila. Eh ang kaso, wala ‘yon sa pangangailangan nila, at ang
natural daw nilang mga kahalubilo ay di naman bumibili ng ganoong
produkto. Pero ‘pinipilit pa rin — magbenta raw sila dahil patakaran
‘yon sa lahat ng myembro. Sa
isa namang koop sa Batangas, may opisyal pa nga ng isang koop na ayaw
bumili ng mismong produkto nila dahil mababa daw ang kalidad kaya
lumalabas na mas mahal sa karibal na produkto.
Ibang-iba naman yung sa Tarlac na ang mga karibal na produkto ay
natatalo na dahil ang compost fertilizer na ibinebenta ng koop ay mas
mataas ang kalidad at pinapakyaw na ngayon ng National Food Authority sa
rehiyon. Kaya ganoon nga—sa kalidad ng produkto nasasalamin ang kalidad ng serbisyo sa myembro at sa komunidad, at nakabase diyan ang kasiglahan ng negosyo na siyang batayan naman ng kakayahan ng isang koop na umalalay sa myembro. At masasabing likas naman dapat sa katangian ng mga kooperatiba ang paghahabol na mapahusay ang mga produktong kanilang ibinebenta. Oo
nga, kung babalikan natin sa ‘ting coop education ang siyam na
batayang panuntunan ng Rochdale Pioneers, nasa ikalawa at ikatlong punto
ang paniniyak na “husto sa timbang” at “pinakapurong mga
produktong makukuha” lamang ang ibebenta ng koop. Nasasalamin na rin
ito sa mga punto ng Pitong Prinsipyo ng Kooperatibismo na inilabas naman
ng International Cooperative Alliance. Lagpasan sana ng mga kooperatiba ang quality standards na itinatakda ng mga batas. Ang panghawakan po natin ay malasakit sa myembro at sa lipunan. |
||
TINIG NG MGA
KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|