. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Kusang-loob na Pananatiling Myembro (Setyembre 26, 2001) “BUKÁS
at kusang-loob na pagmi-myembro…” Naks
naman! English yang
binabasa mo, Tagalog yang lumalabas sa bibig mo… He-he-he! Ibahin mo, Joydee! Ibahin mo! Mukhang
iniba mo nga, eh! Di ba yan
yung pinakauna sa Seven Principles ng International Cooperative Alliance
na binabasa ko kanina d’on sa mesa? Ito nga. Ano naman yung iniba ko? Teka muna… Ah, oo nga. Open and voluntary membership, dapat pala, bukás na kasapian, at kusang-loob na pagmimyembro. Oks na? Korek
ka na dyan. At dadagdagan
ko pa ‘yan. Hindi lang bukas ang koop na pumayag na makapasok ang mga
bagong myembro, masigasig pa nga itong manghatak.
Imbes na magsabing “come in” kapag may kumakatok nang gustong
sumapi, kukumbinsihin na ang maraming tao na mag-apply, susunduin pa sa
bahay. Pero syempre, dapat maipaliwanag muna ang lahat ng tungkol sa
koop bilang bahagi ng kumbinsihan.
Ang sinasabi ko lang, hindi maghihintay lamang ng aplikante… Dapat talaga yang mga paliwanag, para maging kusang-loob talaga ang pagpasok bilang myembro. Tapos, kapag myembro na nga, dapat malinaw na kusang-loob din ang pananatili. Ibig sabihin, ang pagiging boluntaryo ng pagsapi at pananatiling kasapi ay dapat naman sanang makita nang malinaw sa ikinikilos mismo ng myembro. Ganado ba siya o walang kabuhay-buhay? Aktibo ba at masigasig o parang napipilitan lang? Maganda
talagang ilinaw yang sinabi mong pagpapatunay na boluntaryo nga ang
pagiging kasapi ng koop. Pero
iba’t iba ang maaaring dahilan kung bakit maraming kasapi ang
‘pagay-on gay-on’ lang sa koop.
Baka sumobra ang sigasig magparami ng myembro, eh baka ang gawin,
hayakin ang mga taong ayaw talaga pero di makahindi. Baka brasuhin o
tutukan. Huwag naman! Dahil mapapalaki nga ang kasapian pero bababa ang
kalidad nito. Biro mo, mga halos pinilit lang. Boluntaryo nga dapat, eh! Tsaka
meron namang mga pumasok dahil kulang naman ang paliwanag. Yun bang sa
akala nila ay perang puhunan o kaya pirma lang nila ang kailangan, tapos
wala na silang gagawin kundi maghintay ng biyaya, at opisyales na lang
ang magtatrabaho. Aba’y di istilong-koop ‘yon! Pero kung iyon ang
naipaliwanag sa kanila ng humahatak, aakalain nilang okey-okey na sila
bilang mga myembro. Kaya importanteng intindido ng bawat myembro ng koop ang lahat ng puntos dito sa Pitong Prinsipyo ng ICA. Para maging mahusay ang partisipasyon nila sa loob ng koop, at upang maging mahusay at kumpleto ang paliwanag nila sa mga taong pinipilit… eheste, kinukumbinse pala nilang sumapi rin. At
yung mga nagsasalin sa Tagalog habang nasa-English ang binabasa…
ha-ha-ha! – ay dapat maging maayos naman ang pagsasalin.
Oo na! Pinakakadiin-diinan mo pa ‘yan, ha! Pero tama ka rin naman… na naman! Paminsan-minsan…
! Kasi nga may kahirapan kung minsan na intindihin ang lahat ng mga prinsipyo at pasikut-sikot sa buhay ng kooperatiba. Lalo na ang mahigpit na pagkakaintindi na pagsasanib-sanib ng lakas ang pinaka-kaluluwa ng kooperatibismo. Kung sa pagsasalin pa nga lamang ng mga teksto ay naliligaw na… Yan
naman ang gusto ko sa yo, eh! Lagi kang bukas na tumanggap ng kamalian. Parang koop! Lagi ring bukas na tumanggap ng mga bagong myembro. |
||
TINIG NG MGA...
...KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|