.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Kabayanihan sa Kilusang Koop

(Hunyo 6, 2001)

TEMA NGAYON nitong seksyong koop ang kasaysayan at kabayanihan. Dahil yata sa “Independence Day” kuno. Pero ang independencia ay nasa titulo lang ng deklarasyong binasa sa Kawit noong 1898. Walang tunay na kasarinlan sa loob ng deklarasyong iyon.  Kooperatiba po ang pokus ng kolum, di ko lang natiis na...

Campaigner for sense of history kasi ‘tong si Ding, mga kaibigan. Pwede naman talagang pag-usapan ang kabayanihan sa kolum natin, di ba? Huwag na lang iugnay sa sinasabi mong “fake independence.”

Ang tunay na kabayanihan ay ang pag-ambag ng pagsisikap para sa tunay na kalayaan, kapatiran at kasaganaan ng marami. Kadalasan, tahimik lang ito, e. Yun bang di man lang nila iniisip na bayani nga sila. Ang dami-daming taong ganyan!

Sa tuluy-tuloy na kasaysayan mula pa noong panahong ginagawa ang Banawe Rice Terraces sa pamamagitan ng pagba-bayanihan, hanggang sa kasalukuyang kabanata ng kasaysayan, laging andami-dami ng mga bayani!  Siyempre, marami rin sa mga koop.

Tama! At nakasalalay talaga sa kabayanihan ng marami ang pagiging tunay ng isang kooperatiba -- may lakas na panloob, hindi iniaasa lamang mula sa labas, kaya naitutuluy-tuloy.

Panloob, kaya sustainable. Sige, magbanggit tayo ng mga halimbawa ng kabayanihan para sa tunay na lakas. Mauna ka, Joydee...

Halimbawa, ordinaryong myembro ka ng koop, ang iniisip mo ay di lang ang makakabig mo, kundi ang maiaambag mo rin sa kapital ng koop.  Pinapalaki mo pa ang iyong sapi imbes na gastahin sa iba ang pera mo.

Pag may pulong ng myembro, naroon ka sa oras at umaalis ka lang pag tapos na. Nakikinig ka talaga at lumalahok sa usapan, at handa kang magpaliwanag sa mga di nakadalo.

Heto pa. Pag may eleksyon, pinipili mo talagang mabuti kung sinu-sino ang karapat-dapat ihalal. Walang kabarkada o kamag-anak. Kahit may magtampo, kalooban at kakayahan ang tinitignan mo.

Tama yan! Kung ikaw naman ang nahalal. Pinagsisikapan mong gampanan nang husto. Pinag-aaralan mo ang mga pagpapasyahan bago ka pa dumating sa pulong. Nagtatanong ka sa mga myembro—ano’ng problema? may mungkahi ba? At kahit dati ka nang maalam, lagi ka pa ring nakikinig sa iba, pati sa mga nakababata at mga baguhan. Kung sila pala ang tama, handa kang lumunok ng pride. Para sa buong koop yan, e!

At tumatanggi ka sa tukso, tuksong kumabig ng para sa iyo at nabebenta naman ang kapakanan ng kasapian. Mahirap pong gawin lahat iyan, mga kaibigan! 

Mahirap talagang magpakabayani. Pero yan lang ang pag-asa ng kooperatiba. Kung hindi, kasing-peke ng Independensya sa Kawit ang mga koop natin, imbes na kapaki-pakinabang sana sa maramihang pag-ahon sa kahirapan, at sa tuluyang pag-unlad!

Buti na lang marami’ng mga tahimik na bayani sa ‘ting mga koop. Kahit napakarami ang mga koop na ampaw at palaasa, marami rin talaga ang tunay.

 
   

TINIG NG MGA

BAYAN

NEWS

KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 

Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->
    BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

ack to SanibLakas website opening window  ??..