. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Pang-ekonomiyang Pakikilahok ng Myembro (Oktubre 17, 2001) “SAMA-SAMANG
pagnenegosyo.” Isa nang naging paglalarawan ng mga kooperatiba ang
sama-samang pagnenegosyo... Pero may kailangan pa talaga tayong ilinaw d’yan, Joydee. Hindi naman kasi kooperatiba lang ang sama-samang pagnenegosyo. Technically speaking nga, eh lahat ng kompanya at korporasyon ay sama-samang pagnenegosyo. Sama-samang nagnenegosyo at nagpapalaki ng puhunan ang mga stockholder sa isang kompanya, di ba? Tama ‘yan. Sa salitang
sama-sama, marami na agad ang nakakarga. Halimbawa, may isang
kapitalistang nagmamay-ari ng ochenta porsyento ng kapital. Tapos,
maraming maliliit na stockholder na may pinagsama-samang kapital na
aabot nang bente porsyento ng stocks eh di lahat sila, yung malaki at
yung mga salimpusa, ay sama-sama ring nagnenegosyo. Eh di naman papayag yung may malaking kapital na tig-isang magkapantay na boto lang sila ng bawat isa sa mga salimpusa. Hindi magkakaroon ng koop, pero may sama-samang pagnenegosyo na. Oo nga naman, kaya sa
koop ay wala namang papayagang humawak ng napakalaking porsyento ng
shares at halos wala ang iba.
Isa nang pagkakaiba ‘yan sa mga kompanya at korporasyon.
Meron pang pagkakaiba, na nakatutok naman mismo sa salitang “pagnenegosyo.’ Maraming bahagi kasi itong pagnenegosyo, at isa lang ang
pagpasok ng kapital. Sige nga, Ma’am, ilarga mo na nga… anu-ano pa ba? Okey, isa na yung
pagpasok ng puhunan. Tapos,
isa pa yung operasyon mismo ng negosyo. Kung gumagawa ng produkto ang pinasok na negosyo, eh di yun
mismong proseso ng paggawa ng produkto.
Kung sa isang serbisyo naman yung koop, eh di sa pagbibigay ng
serbisyo. Tapos, meron pa.
Kung nagtitinda ang produkto o serbisyo yung negosyo, kailangan
may bibili. Kung makakabili
ka nang mas mura, parang isang anyo na yan ng pagnenegosyo, laluna kung
ibebenta mo na sa iba nang may konting patong. Kung nasa credit naman,
ang pangungutang sa mas mababang interes ay parang anyo rin ng
pagnenegosyo, laluna kung ang inuutang ay ipangnenegosyo pa uli.
At kung papasok na nga tayo sa kaibhan ng koop sa iba pang klase ng sama-samang pagnenegosyo, ang pagnenegosyo sana ng myembro ay hindi lang sa iisang anyo, kundi… Sa dalawang anyo man lang!
Halimbawa, may-ari o investor, tapos empleyado rin siya. Kung
service cooperative naman, customer din siya, kung marketing coop naman,
nagbebenta rin siya ng mga produkto ng koop na part-owner nga siya dahil
myembro siya. Ano kaya ang problema? Bakit maraming koop ang matamlay? Dahil kaya sa maraming myembro na asal may-ari lang? Parang nagpapaalaga lang ng kapital niya sa koop na parang nagpapaalaga ng biik na lalaki at tataba sa paglaki at pagtaba ng koop? Para maengganyong maging customer din ang myembro, maliban sa discount, meron pang tinatawag na “balik-tangkilik” o patronage refund. Bakit, parang matamlay pa rin ang member participation sa negosyo ng koop kaya – hayun! – matamlay ang negosyo at kabuuang buhay ng koop! Bakit kaya? ‘Nong palagay mo? Bakit di natin itanong sa
kanila? sa mga bumabasa na may sari-sariling kinapapaloobang koop?
Dahil ba sa iisang anyo lang ng pagnenegosyo ang ‘feel’ nila?
O may anggulo bang hindi naming nakikita ni Ding? |
||
TINIG NG MGA...
...KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|