.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Edukasyon: Pagkilala sa Kaluluwa ng Koop

(Nobyembre 7, 2001)

SA PAGSESERYE po namin ni Joydee sa Pitong Prinsipyong inilabas ng International Cooperative Alliance o ICA, nakaabot na kami ngayon sa panlima na tumutukoy sa edukasyon. Napapansin n’yo na sigurong paboritong paksa ng Sanib-Kolum na ito and edukasyon sa koop.

Ito pong ICA, mga kaibigan, ay pandaigdigang alyansang sumasaklaw ng 700 milyong kooperatiba sa 70 bansa sa buong mundo.  Binuo ito noon pang 1895, isang taon pa bago sumiklab and Rebolusyong Pilipino na nagsilang ng ating bansa.  Gano’n na katagal ang ICA!  Di pwedeng isnabin ang 7 Principles na depinisyon niya sa koop!

Sa paghahanay ni PCC Chairman Obet Pagdanganan sa libro niyang A Call for Coperative Revolution, sinabi ng ICA sa ikalimang prinsipyo na nararapat na “ang mga kooperatiba ay nagbibigay ng edukasyon, pagsasanay at impormasyon sa mga myembro, halal na mga kinatawan, mga tagapangasiwa at mga kawani, upang ang mga ito ay epektibong makapag-ambag sa pagpapaunlad ng kanilang mga kooperatiba. Ipinaaalam nila sa malawak na publiko, laluna sa kabataan, ang katangian at mga benepisyo ng kooperasyon.”

Ayon naman po dito sa artikulong “And Then There Were Seven,” ni Ms. Ann Hoyt, na nasungkit namin ni Ding sa Internet, patuloy na binigyang-importansya ng ICA ang edukasyon sa huling pulong nito noong 1996.  “Patuloy na nakahanay ang edukasyon sa mga priyoridad ng ICA.”  Ah hindi lang daw nauukol sa produkto at mga paraan ng pamamagi ang impormasyong kailangang ipaabot ng mga koop sa myembro at sa madla. Lubhang mahalaga daw ang pag-aaral sa esensya ng koop sa epektibo at maalam na paglahok ng mga kasapi, na nasa core… nasa pinakaubod?  Yon! …nasa kaibuturan ng depinisyon ng kooperatiba.  Nasa kaluluwa nga ng pagiging koop!

Ang galing! Ikaw naman ang nagsalita ngayon sa Pilipino pero nasa-Engish ang binabasa! Kamuntik nang bumara kanina pero… muntik lang!  Ako noon, nagkamali. Hahaha!

Napakahirap kasing I-translate nitong “lies at the core of the cooperative definition,” eh.  So, ganoon nga po, mga kaibigan.  Kaya may mga kababayan pa rin tayong mababa ang pagtingin sa koop – daluyan lang daw ng kawanggawa o kasangkapan ng pulitiko – ay dahil hindi nalalaman at hindi naisasabuhay ng marami pa rin talagang koop sa Pilipinas ang tunay na kooperatibismo!   Pero yun namang mga matagumpay na koop, laluna yung mga meron nang milyun-milyong pisong pondo na nabuo at napalago sa sama-samang pagnenegosyo ng mga koop, laluna na yung mga “century coop” d’yan na may 100 milyon pesos nang pondo na hindi nanggaling sa labas, magandang mga ehemplo sila ng pagsasabuhay sa tunay na diwa ng koop!

Mapapansin naman ng mga kapamilya, kapitbahay at katrabaho ng isang myembro ng koop kung maganda ba ang koop at ang impluwensya nito sa kanya.  Lagi bang handang makipagtulungan sa iba’t ibang pagsisikap itong taong ito, o siya ba yung palaiwas sa sama-samang pagsisikap?  Madalas ba siyang may pera na mahusay niyang mina-manage, o lagi ba siyang kailangang pautangin ng mga kaibigan at walang kaase-asenso?  Mapagmalasakit ba siya sa komunidad o siya ang pinaka-kuwan… pinaka-greedy o pinakaswapang?  Sa mga pag-uugali at kalagayan po ng karaniwang miyembro makikilala kung matagumpay ang koop sa pagsasabuhay ng diwa ng pagsasanib-lakas at kung gayo’y matagumpay rin ito sa negosyo. 

At kung matagumpay nga po, mga kaibigan, karapat-dapat ngang gawing huwaran sa komunidad ang kooperatiba at ang mga kasapi nito.  Epektibo nilang maipapakita’t  maipapaliwanag ang kahusayan ng kanilang kooperatiba at ng diwa mismo ng koope­ratibismo.  Nagsisimula po ito sa aktibo at epektibong edukasyon sa lahat ng myembro, opisyales, tagapangasiwa at kawani, at nagtutungo sa matagumpay na aplikasyon at pagsasabuhay.  Tapos, may “ripple effect” na ito sa mas malaking lipunan.  Ayos po ba?

 

 
   

TINIG NG MGA...

BAYAN

NEWS

...KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 
Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->     BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

ack to SanibLakas website opening window  ??..