. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Edukasyon at Kapangyarihan sa Koop (Agosto 15, 2001) ANO
ANG kaibhan ng “democratic governance” at “participatory
democracy” ? Pareho
lang ba ang dalawang terminong ito?
O, ingat po sa pagsagot sa tanong ni Ding, mga kaibigan, kahit parang magkahawig ang mga termino, eh huwag po tayong padalus-dalos na sasagot ng ‘Oo!’ Para
namang ibinigay mo na ang sagot sa sinabi mo, ah!
Iniisip pa nila…
Okey lang! Ipapaliwanag mo pa naman, eh. At yung paliwanag ang mas importante kahit mahulaan man nilang lahat ang sagot. Sige,
ipaliwanag na natin kung bakit napakalaki ng kaibhan.
Pag sinabing “democratic governance,” ang mamamayan talaga
ang namamahala, ibig sabihin, demokratikong palakad talaga. Pag
“participatory democracy” naman ay lumilitaw na pinasasali lang ang
mamamayan, at bahala na ang talagang may hawak ng kapangyarihan kung
pasasalihin sila nang ganap, o kaya’y limitahan ang pagsali
nila, sa pagdedesisyon. Sa tunay na demokrasya, “sovereignty resides in the
people and all government authority emanates from them.” Kaya
taumbayan mismo ang direktang nagpapatibay ng pinakamahalagang batas,
ang Konstitusyon. At
naghahalal na lang ng mga opisyal at kinatawan para gumawa ng mga
desisyong hindi kasing-importante ng Konstitusyon.
Sa “participatory democracy,” pwede na yung mga salimpusa
tayo sa mga konseho ng gobyerno, pwede na yung mga parepe-reperendum
noon ni Marcos! Magkaiba ngang talaga! Pero matatanong na naman tayo … ano ang kuneksyon nito sa kooperatiba? Pang-koop nga kasi ang Sanib-Kolum na ito. Ganito po ‘yon, mga kaibigan, maihahambing ang isang kooperatiba sa isang demokratikong republika. Para maging tunay ang koop, sabi ng International Cooperative Alliance sa ikalawang prinsipyo ng kooperatibismo, dapat umiral nang ganap ang “democratic members’ control.” Myembro dapat ang sama-samang nagdedesisyon sa pinakamahalagang mga bagay, imbis na kinokonsulta lamang sila o pinapalahok sa ilang pagpapasya. Sa
pamamagitan ng mga G.A. o General Assembly, dapat kolektibong namamuno
ang buong kasapian. Kahit may mga opisyal na nagpapaandar sa pulong, ang
trabaho lang talaga nila ay magpadaloy ng pulong, mag-ulat, maghanay ng
mga usapin, mag-trapik sa mga nagsasalita, at magbuod ng mga pagkakaisa.
Ang mga myembro kasi ang dapat nagpapasya. Ang problema, maraming myembro ang di man lang sumisipot sa G.A. Sabihin na lang daw sa kanila ang mapapag-usapan. O kung dumadalo man, di halos nakikinig o di nakakasunod sa usapan. Kung kulang ang kaalaman ng myembro, dapat pa rin bang sila ang magpapasya at masusunod? Opo! Sila pa rin ang dapat magpasya at dapat igalang ng lahat ang kapasyahan. Kung mali-mali ang mga pasya, dapat silang mag-aral ng mga prinsipyo ng kooperatibismo, mag-aral ng mga kalagayan, at mag-aral at matuto sa sarili nilang mga kamalian. Pag-aaral, di pagpupwera sa desisyon, ang solusyon. Ganoon
nga po, mga kaibigan. Ganoon kaimportante ang edukasyon. Para malaman ng
mga myembro na sila dapat ang nagpapasya, at sila din dapat ang sama-samang
nananagot, sa pinakaimportanteng mga usapin.
Para tama ang maging mga pasya. (Yung mga detalye ay pwede nang
iatas at ipaubaya na lang sa ihinalal nilang Board of Directors.) Ang kaso nga, di umaandar ang edukasyon sa maraming koop. Ni ang 7 Principles na inilabas ng ICA ay pahapyaw na lang naaalala ng mga myembro, kung napag-aralan nga nila ito noon. Marami nga kasing mga education committee na natutulog. Aba, ang sinumang lider na hindi gumaganap ng tungkulin, dapat sibakin ng kasapian sa pwesto. (Wala bang impeachment sa mga koop?) O kaya, huwag na lang nilang ibotong ulit! |
||
TINIG
NG MGA...
...KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|