.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Kontrolado ng mga Myembro

(Oktubre 3, 2001)

“DEMOKRATIKONG kontrol ng mga myembro…”

‘Yan!  Linawin natin ‘yan, Ding, napakahalagang prinsipyo n‘yan. Pangalawa po ‘yan, mga kaibigan, sa Seven Principles ng International Cooperative Alliance.  Sabagay, napasok na natin mismo ang paksang iyan sa isang naunang kolum natin, di ba?

Oo, yung tungkol sa importansya ng edukasyon. Dahil kailangan talagang General Assembly ang gumawa ng pinakaimportanteng mga desisyon sa kooperatiba, kailangang pataasin ang kalidad ng mga desisyon sa pamamagitan ng paniniyak na mataas ang kalidad ng karaniwang myembro. Kaya napakaimportante nga ng aktibo at epektibong edukasyon.

Marami pa nga kasing nalilito diyan sa “democratic control” at sa “participatory,” kaya dapat nating ilinaw nang napakalinaw. Hindi porke’t isinasali o isinasalimpusa tayo sa mga proseso ng pagdedesisyon ay kontrolado na nating mga myembro ang koop! At hindi porke’t malakas ang negosyo at may bungang mga dibidendo ang koop eh okey na.

Para maging sustenable – okey ba’ng salin ko sa “sustainable”? – o, sige, para tumagal ang pananagumpay ng kooperatiba sa pagnenegosyo, dapat ay alam ng lahat ang mga batayan ng tamang mga desisyon ng mga nagdesisyon. Kung hindi kasi ganoon, malamang na hangaan na lamang – di naman siguro ‘sambahin’! – ng mga myembro ang kasalukuyan nilang mga lider at gawin na silang mga “panghabambuhay” na lider.  Delikado sa pangmatagalang buhay ng koop ang gan’on!  At lalabag na ‘yon sa prinsipyo ng demokratikong kontrol!

Dalawang bagay po ang kailangang tiyakin natin d’yan, mga kaibigan.  Ang una ay ang kalidad ng myembro.  Kailangang umaagapay nang husto ang epektibong edukas­yon sa paglaki ng kasapian.  Pag masyadong mabilis ang paglaki ng koop, aba’y darating sa puntong karamihan na sa kasapi ay halos walang alam sa kooperatibismo, walang alam sa pagnenegosyo, walang alam sa mga demokratikong kaparaananan (lampas sa pagsasalimpusa sa pagdedesisyon) at delikado ‘yan sa buhay mismo ng koop! 

Maglilitawan ang mga desisyong palpak na maaaring ikamatay ng koop. Pag naging  passive naman sila, halos patay na agad ang pagka-koop ng koop.  Pag naging aktibo naman pero pinipigilan dahil mali-mali nga ang nasa sa isip, patay na agad ang koop bilang koop!

Ang tindi naman ng puntong ‘yan, ‘no?  Pag passive sila, halos patay ang koop… Pag pinigilan sila, patay na agad!  Grabe!!!  Pero, kung ipapatupad mo ang ikalawang prinsipyo ng ICA, gan’on talaga ‘yon!  Di pwede sa koop ang monarchy o martial law!

Di naman tayong dalawa ang umimbento ng mga prinsipyong iyan. Dekada na ang binilang sa paglapat ng mga iyan sa buong daigdig.  Kaya naman sa maraming bansa ay talagang malakas ang mga koop. At ang sektor-kooperatiba ay isang haligi mismo ng lipunan at ekonomya.  Dito kasi, hindi pa naililinaw sa edukasyon sa ating mga koop at sa buong lipunan mismo ang demokrasya at ang kinakailangang mga rekisito gaya ng maayos na mga proseso. 

Proseso! Tama! Yan ang pangalawang kailangang tiyakin, kasabay ng paniniyak sa kalidad ng miyembro. Dapat nakadisenyo ang proseso para mapili nang husto na ang pinakaimportanteng mga usapin lang talaga ang tututukan ng direktang pagpapasya ng kasapian, di pang-araw-araw na pamamalakad dahil may Board at may manager na nga para d’on; dapat may mekanismo para sa maayos at malalim na talakayan ng mga punto, di puro emosyon; dapat may maayos na pagbibilang ng boto, di palakasan ng sigaw.

Parang sa demokrasya ng Pilipinas yan, eh! Eleksyon tayo nang eleksyon, tapos, ipinagmamalaki natin na madalas tayong mag-”EDSA”.  Kung gan’on, gaano katatag talaga ang demokrasya nating matatawag?  Kung gan’on, gaano katatag ang lipunan, o ang koop?

 
   

TINIG NG MGA...

BAYAN

NEWS

...KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 
Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->     BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

ack to SanibLakas website opening window  ??..