. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Boluntaryo ang Pagsapi sa Segundaryo! (Nobyembre 21, 2001) BUMABATI
po kami ni Joydee sa organizers at participants nitong 2nd Metro Manila
Coop Congress noong Nobyembre 12-14 sa Manila Midtown! Malaking ambag po
ito sa mga pagsisikap na palakasin ang kilusang kooperatiba sa bansa. Tama
'yan!
Lalupa't sinabi mo nga na sa bawat syudad, bayan at distrito,
nagdaos muna ng cooperative congresses.
Magandang ugat po ng proseso sa antas na regional ang ganoong
mga lokal na pagpupulong.
Kaya lang, mga kaibigan, ako’ng taga-Taguig, pero ‘tong
katambal ko ang nakadalo sa Taguig-Pateros Coop Congress! Ang
maganda talaga niyan, at nakita ko nga sa sarili kong mga mata, maraming
primarya ang dumalo sa mga district o city congresses. May mga primary
coop leaders pa nga roon na noon pa lang nakahalubilo ng mga nagmula sa
iba pang koop! Aba, mag-usap-usap lang
at magpalitan ng mga karanasan ang mga lider at kasapi ng iba't ibang
koop, siguradong makakadama na sila ng pagsasanib-sanib ng kanilang
lakas, kahit man lamang ng diwa nilang magpalakas ng sari-sarili at
makapaglingkod nang husto sa kani-kanilang mga myembro! Pero,
alam mo, kahit napakahalaga ng papel ng mga segundaryong koop para
makabig sa mas malaking pagkakaisa ang mga primaryang nakabase sa iisang
teritoryo, di pa rin pwedeng sapilitan ang pag-recruit ng mga unyon at
pederasyon ng mga primaryang isasapi. Bakit mo naman sinabi 'yan? Meron bang nag-isip na ganoon? Pilitan? Oo
naman. Kasi nga, mahirap
talagang tulungan ng segundaryo ang isang primaryang di man lamang
nagpapasyang sumapi. At
meron pa ngang probisyon sa Coop Code, na hinalaw sa Prinsipyo 6 ng
International Cooperative Alliance, na dapat talagang bawat koopay makipag-ugnayan
sa iba pang kooperatiba sa iba-t ibang panteritoryong antas. Di nga lang
tinukoy na pagsapi lang ang pakikipag-ugnayan. Sa biglang tingin, pwede
naman talagang ang maging interpretasyon diyan ay gawing requirement sa
bawat primarya ang pag-anib sa segundaryo. Pero, teka! Sabi mo eh sa biglang tingin. Para sa akin, wala dapat pilitan kahit saan, eh! Tama
rin iyon, at ganyan naman talaga ang pangkalahatang diwa ng probisyon sa
ating mga Constitution tungkol sa citizens' right to assembly and
association. Karapatan itong pwedeng gamitin, pero walang parusa kung di
mo ginagamit. Eh yun na ngang pagboto
na malinaw na tungkulin ng mamamayan, wala pa ring dapat iparusa sa ayaw
bumoto! May nagsabi pang di raw aplikable ang Principle 1 (Open and voluntary membership) sa mga primaryang pinasasapi sa segundaryo dahil hindi sila "persons" kundi mga organisasyon. Pero nalilimutan d'yan na ang salitang "persons" sa batas ay maaaring "natural" o "juridical," at ang mga koop, kompanya, at asosasyong nakarehistro sa pamahalaan ay maituturing na "juridical persons" na maaaring maghabla at ihabla. Aplikable sa bawat kooperatiba sa lahat ng antas ang kinakailangang katangiang boluntaryo ang pagsapi dito ayon sa Principle 1. Basta, sa akin,
requirement man o boluntaryo, ang pinakaimportante pa rin ay ang
epektibong pangungumbinse ng alinmang koop na may mapapala talagang
maganda ang hinahatak niyang mag-myembro. Kumusta na ba ang katayuan ng
mga nag-myembro na? May
nadarama bang pag-aangking-lakas o empowerment sa pagsasama-sama? May
napapala bang asenso at serbisyo? Nakakayanan ba silang aktibong
paganahin at paunlarin bilang mga myembro?
I-encourage na lang nila nang mabuti sa aktwal na performance!
Walang pilitan! Di rin
naman mag-aktibo bilang myembro ang mga yan pag pinilit lang, eh!
Dadami lang sila! Nadale
mo! Ganoon na nga ang naging kongklusyon sa talakayan ng workshop group
na sinalihan ko sa panrehiyong konggreso.
Kasi, sa biglang tingin, mas madaling paraan yon ng konsolidasyon.
Pero sa totohanan nang pag-andar at sa mas matagalan, malaking sakit ng
ulo ang ibibigay sa sinumang kailangang mamuno sa mga myembrong pinilit
lamang!
|
||
TINIG NG MGA...
...KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|