. SANIBLAKAS FOUNDATION COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo . |
(This page has a CYBER TALK-BACK instant feedback box at the bottom.) |
Balik Aral sa mga Batayang Prinsipyo (Setyembre 19, 2001) ABA,
Joydee! Mukhang napakalalim
na naman ang iniisip mo diyan, ah!
Oo! Nire-review ko nga kasi itong Seven Principles na inilabas ng
International Cooperative Alliance noong 1992.
Maganda nga sigurong isa-sahin natin ito mga ‘to sa susunod
nating mga kolum. Tama. Pero parang may iba ka pang iniisip. Parang maraming question mark na naglalaro diyan sa mga kilay mo, eh. Ano ba’ng problema sa mga nakasulat diyan? Wala
naman. Iniisip ko lang yung
mga myembro ng kooperatiba ngayon at yung mga myembro noong nagsisimula
pa lang ang konsepto ng koop. Nung
panahon ng Rochedale Pioneers, o nung itinatatag pa lang ang ICA.
May napapansin ako sa kaibhan ng awareness o kamalayan ng mga
pumapasok sa kooperatiba… Kamalayang ano? Kaalaman sa pamamalakad ng mga koop? O kamalayan sa kung ano talaga itong pinapasok nila? Yon! Di ba, dati-rati’y wala pang gaanong nakasulat ukol sa mga criteria upang maging ganap na myembro ng coop? Maliban na lang sa mga prinsipyo nga nitong ICA na itinuturing awtoridad magmula nang mabuo noong 1895. Kaya lang, di naman ito available agad sa lahat. Kailan rin lang ba nagkaroon ng pre-membership seminars? Pero, di ba’t noon pa’y marami na ang bumubuo at sumasali sa koop sa paniniwalang mahusay na paraan ito ng paglago ng kanilang kabuhayan, o kaya’y paraan ng pagkakaisa ng kanilang komunidad para sa isang layunin? Para bang damang-dama nila ang pag-unlad ng lahat ng kasapi sa pagbuo ng isang kooperatiba. Oo naman!
Ibang bagay pa kung nakatutulong pa ang kanilang koop sa iba
maliban sa mga myembro nito. Mas masaya talaga kung ganon!
Kitang-kita na malapit sa puso nila ang prinsipyo nito kahit pa
di gaanong nakapagbabasa ukol sa esensya ng kooperatiba. Eto pa nga. Sa kabilang banda, mukhang mas masuwerte ang mga nais lumahok sa coops ngayon dahil kung gusto nilang pag-aralan munang mabuti ito ay pwedeng-pwede. Sa dami na rin ng mga nakasulat na mahahalagang dokumento tungkol sa koop, siguradong maliliwanagan ang sinumang gustong maging bahagi nito. May kataka-taka nga lang. Ngayong mas may awareness ang karamihan sa prinsipyo ng koop, bakit may pumapasok pa rin, at marami pa nga sila, na tila wala sa puso ang pagsali? Bakit kamo?
Kumpara nga sa mga nagsimula ng kooperatibismo tulad ng Rochedale
Pioneers, halimbawa, na kinailangang mangapa muna ng mga bubuuing
konsepto, nariyan na at plantsado na ang mga paliwanag ngayon sa mga
prinsipyo. Bakit nga kaya? Parang iba nga kasi iyong motivation sa pagbuo o pagsali e! Andami nang coop sa Pilipinas, pero magtataka kayo na higit sa kalahati nito’y inactive o kaya’y nawawala. Sana
naman, patuloy na umunlad ang kamalayan nating lahat sa tunay na halaga
ng kooperatiba. Lalo pa
nga’t dumarami ang nasususlat na mga modelong karanasan sa
pagpapahusay nito at habang patuloy rin ang pagdami ng nag-aaral ukol
dito. ‘Wag naman sanang baliktad pa nga ang mangyari.
Pero hindi rin talaga sa dami ng mababasa nakasalalay ang
pagkakaroon ng tamang kamalayan tungkol sa mga koop.
Eh papaano kung nar’yan nga ang mga babasahin, wala naman
silang panahon o interes na magbasa?
Paano kung sa tingin ng myembro ay mga direktor lang nila ang
kailangang makaalam, at susunod na lang sila? Huwag
naman sanang ganoon! Ang
pinasukan nga nila’y kooperatiba -- sama-samang pagpapasya sa sama-samang
pamamahala sa kanilang sama-samang pagnenegosyo.
Paanong magtatagumpay kung iilan lang ang nakakaalam at nag-iisip? |
||
TINIG NG MGA
KOOPERATIBA |
Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas, patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City. Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. |
|