.

SANIBLAKAS FOUNDATION

COOPERATIVE EDUCATION ON SYNERGISM

Sanib-Kolum nina Ding Reyes at Joydee Robledo


.

  (This page has a CYBER TALK-BACK  instant feedback box at the bottom.)

   
 

Awtonomiya at Kasarinlan ng Tunay na Koop

(Oktubre 24, 2001)

IKAAPAT na prinsipyong pagkakakilanlan sa mga tunay na kooperatiba, ayon sa International Cooperative Alliance, ang awtonomiya at kasarinlan.  Ang tanong na gusto kong pagsimulan, ay kung ano ang kaibhan ng dalawang katagang ito, kung bakit isa-isa pang tinukoy ng ICA.

Tanungin natin ngayon ang mga bumabasa.  Mukha po kasing pareho lang ang kahulugan ng dalawang salita, at katunayan ay synonym sila ng isa’t isa sa Thesaurus nitong MS-Word program sa computer.  T’yak na may dahilan ang ICA para sabihing kapwa mahalaga sa isang tunay na kooperatiba ang dalawang ito.  Di pa lang natin alam.

Tingnan natin dito sa dictionary.  Hmmm! Nasan na yo’n?   “autocratic… automatic…” Heto! “Autonomy. Quality or state of being self-governing, …or undertaking without external control.” Tingnan naman natin itong independence. Teka…  Yon! “Independence.” Pareho rin: “Quality of state of not being dependent or subject to external control.”  Parang pareho lang, ah!

Tingnan mo yang isang meaning ng independent… yang nasa dulo ng daliri ko!

Talas ng mata mo, ah!  Heto… not being affiliated with a larger controlling body.  Walang gan’to sa autonomy.  Mukhang tama rin ito sa kaibhan ng “autonomous region” at “independent state.”  At kung ang isang primary coop ay myembro ng isang federation, ang pederasyon ay hindi dapat isang larger controlling body, dahil hindi siya dapat kumokontrol sa primary coop.

Tama!  Dahil ang may kontrol lang dapat sa primary coop ay ang buong kasapian ng primary coop!   Naalala mo yung second ICA principle?  Yung democratic member control sa koop?  Mukhang aplikasyon naman ng ganoong prinsipyo itong autonomy and independence principle sa panlabas na ugnayan ng bawat koop.  Ang pederasyon, halimbawa, ay dapat kontrolado ng mga primaryang nakamyembro. Di dapat kontrolado ng pederasyon ang mga primaryang koop na nakamyembro. Baliktad pag gano’n!

Dahil nga ang myembro ang dapat kumokontrol, di dapat sila ang kinokontrol. Tama nga talagang magkahiwalay na tukuyin ng ICA ang dalawang termino. Para walang kawala!  Na dapat ay ganap na malaya sa panlabas na kontrol, independent, autonomous, may kasarinlan ang bawat koop para maging tunay na koop. Makipag-ugnayan sila, pero huwag magpahawak!

Kinailangan mo pa talagang ipagdiinan, ano? Hanep na emphasis yon!  Ang linaw-linaw!  Wala talagang kawala!   Pero paano na ‘yan ngayon?  Napakarami nating koop sa Pilipinas ngayon na walang independensya, at wala ni awtonomiya. 

Nand’yan naman ang Coop Development Authority ng gobyerno.  Di ba binabantayan ng CDA na naipapatupad ang mga prinsipyo ng ICA, at sa pagbabantay ay di rin siya kumokontrol?

Sagutin mo’ng tanong mo!  Sige… may sagot ka naman d’yan, eh!

(Huli mo ‘ko r’on, ah!)  Okey, mga kaibigan, nand’yan nga po ang CDA at trabaho nga nito na habang isinasagawa ang regulatory functions na gaya ng pagrerehistro ng mga koop, ay manindigan sa ICA principles.  Pero pwede namang hindi lumitaw sa pormal na papeles ng isang koop ang pagiging kontrolado ng iba, halimbawa, ng mga pulitiko, malalaking negosyante, ng pederasyong kinabibilangan, etc. etc.  Di rin makikita ng CDA ang lahat…o titingnang lahat.

Kaya bahagi ng coop development na tungkulin pa rin sa ngayon ng CDA, at tungkulin habambuhay ng kilusang kooperatiba, ang edukasyon sa karaniwang myembro ng lahat ng koop para ang mga myembro na mismo ang tumiyak na naisasabuhay ang prinsipyong ito.  At kung meron nga pong external control, humakbang na para lumaya!

Bumabati po kami sa lahat ng isang maligaya at makabuluhang coop month!  Oktubre 14 pa nagsimula, pero marami pang mangyayari. 

 
   

TINIG NG MGA...

BAYAN

NEWS

...KOOPERATIBA

Inilalabas tuwing Miyerkoles ng Bayan News Publishing Cooperative at  nagtatampok sa mga kaganapan at usapin ng mga kooperatiba ng Pilipinas,  patakaran, programa at batas at lahat ng iba pang dapat malaman ng mga namumuno, nagtataguyod at nag-aaral sa mga kooperatiba. May opisina ito sa Cor. Sta. Catalina and Biak-na-Bato sts., Bgy. Sienna, Quezon City.   Para sa dealership o subscriptions, tumawag po sa 4144733. 

Please join our 'Sanib-Sinag' 

(synergy of minds), through this

  'CYBER TALK-BACK' 

in selected SanibLakas webpages:

Webmaster will send your response ASAP 

to your and the author's) e-mail addresses; 

SANIBLAKAS CYBERSERVICES is

a service project of SanibLakas Foundation.

   What are your comments and questions?

Your Name & Nickname::

Position: 
Organization, Office, 

School or Barangay:

Mailing / E-mail Addresses

Fax  & other numbers:

Personal or work 

background rele-

vant to  the comment 

or inquiry:

  S E N D  -->     BACK to TOP 

back to SanibKolum opening window  >>

back to C.E.S  Program opening window .??..

back to SanibLakas website opening window  ??..