KALATAS
NG KAISAHAN NG
PAMAYANANG
SANIBLAKAS
(CHARTER
OF SOLIDARITY OF PAMAYANANG SANIBLAKAS)
AMA-SAMA
KAMING BUMUBUO, nagpapalakas at nagpapalawak ng isang komunidad ng
pagsasanib-sanib ng lakas sa isip at diwa, sa salita at gawa,
upang mabuo ang mulat at matatag na kaisahan ng taongbayan ng
Pilipinas, bilang ambag sa pagbubuo ng mulat at matatag na
kaisahan ng Sangkatauhan.
Makikilala
ang aming kaisahan sa ngalang Pamayanang SanibLakas.
(TOGETHER WE ARE BUILDING,
strengthening and expanding a community with synergies of mind,
spirit and action, in order to consolidate the conscious and
strong solidarity of the people of the Philippines, as a
contribution to the conscious and strong solidarity of Humankind.
Our solidarity shall be known by the name Pamayanang SanibLakas,
which means Community for Synergy.)
KAISA NAMIN BILANG KAANIB AT KASAPI ng Pamayanang
SanibLakas ang lahat ng samahan at indibidwal na tahasang kikilala
at magpapasya at magpapahayag ng pakikipagsanib sa kabuuan ng
Pamayanan, sa mga simulain, layunin, pamamaraan at asal nito.
(WE CONSIDER AS MEMBERS AND
AFFILIATES of Pamayanang SanibLakas all the organizations
and individuals who shall categorically express the will to join
up with the entire Pamayanan and uphold its principles,
aims, methods and ethics.)
NIYAYAKAP DIN NAMIN bilang mga kaanib at kasapi ang
lahat ng mga samahan at indibidwal na mabubuhay nang malinaw na
naaayon sa mga simulain at layunin, at magtataguyod sa pamamaraan
at asal na sa Kalatas na ito ay tinutukoy, hindi man sila tahasang
umanib o sumapi.
(WE EMBRACE IN, AS WELL, as members
and affiliates all the organizations and individuals who shall
clearly live by these principles and consistently with its aims
and supportive its approaches and ethics enumerated in this
Charter, whether or not they categorically manifest a desire to
join.)
Bahagi
1.
Mga Simulain
(Part 1.Principles)
Ang bawat kaanib at kasapi ng Pamayanang SanibLakas,
sa abot ng makakaya, ay magsasabuhay ng sumusunod na simulain:
(Each affiliate and member of Pamayanang
Saniblakas shall, to the best of one’s capability, shall
live by the following principles:)
1. Ang pantay na dignidad ng bawat tao ay
patatampukin at ipagtatanggol bilang batayan ng sama-samang
pag-aangking-lakas, at itataguyod ang lahatang-panig na pag-unlad
ng bawat isa sa pagpapakatao at pakikipagkapwa-tao, bilang mga
anak ng Kalikasan at ng Sangnilikha.
(1. The equal dignity of every
person shall be exalted and protected as the basis of collective
empowerment, and the well-rounded development for each one in
being human and relating with others as fellow-children of Nature
and Creation, shall be promoted.)
2. Ang pagsulong sa pagpapakatao at pakikipagkapwa ay
isang panghabambuhay na lakbayin, na nagmumula sa marangal na
kalooban, tiwala sa sarili at pagmamahal sa kapwa. Ang sama-samang
pagsulong ng kalooban at katatagan ng alinmang samahan ay
nakabatay sa pagsulong ng kalooban at katatagan ng mga indibidwal
na kaanib at kasapi nito. Ang
lakas ng isang malusog na samahan ay ultimong nagbubuhat sa
pagsasanib-lakas ng mga kaanib at kasapi sa kanilang mga diwa, sa
pagsasanib-lakas nila sa kanilang mga pag-iisip, at sa
pagsasanib-lakas nila sa kanilang mga pagkilos; hindi sasapat kung
ang pagsasanib-lakas nila ay sa isa o dalawa lamang sa mga ito at
hindi sa lahat. Ang
anumang pagpupulong na idaraos ay kaparaanan ng sama-samang
paghahanap ng katotohanan at liwanag na siya namang gabay sa sama-samang
mga pagpapasya.
(2. Growth of a person and one’s
capacity for healthy interrelationships is a life-long process
which springs forth from the inner self, self-confidence and love
for others. The collective growth of inner character and strength
of any organization is based on the growth of inner character and
strength of its individual affiliates and members. The strength of
a healthy organization ultimately springs forth from the synergies
of spirit, of mind, and of action of the members; synergies in
only two of these three would not suffice. Any meeting to be held
shall flow along the process of collectively searching for the
truth and light which shall, in turn, guide all collective
decision-making.)
3. Itataguyod
ang pluralismo sa mga usaping may iba’t ibang lehitimong pananaw
at paninindigan sa hanay ng mamamayan.
(3. Pluralism shall be upheld on
matters where there are varying legitimate views and standpoints
among the people.)
4. Ang pamumunong kinikilala ng Pamayanang ito ay ang
“pamumunong balani,” iyong humahatak sa lahat ng kaanib at
kasapi na mas mahigpit na magtulungan upang maitaguyod ang anumang
pinagkaisahang mga simulain, layunin at hakbangin. Hindi tunay na
pinuno ang mga nagtatampok sa sarili lamang nilang mga katangian
at kakayahan, at di nagtatampok at nagpapasulong sa kakayahan ng
mga kaanib at kasapi.
(4. The only type of leadershjip
recognized by Pamayanang SanibLakas is “magnetic leadership,” which draws in all the
affiliates and members to work more closely together to advance
the principles, purposes and actions agreed upon. Projecting only
one’s own characteristics and capabilities, and not projecting
and enhancing the characteristics and capabilities of the
affiliates and members, is not the mark of a real leader.)
Bahagi
2.
Mga Layunin ng Pamayanan
(Part 2. Aims of the Pamayanan)
Ang Pamayanang SanibLakas ay itinatatag at pinauunlad
batay sa sumusunod na layunin:
(The Pamayanang Saniblakas
shall be built and developed to pursue the following aims:)
1. Mag-aral at magpalaganap sa mga prinsipyo ng
Kaisahan ng mga Tao, tulad ng pagsasanib-lakas para sa
pagpapaibayo ng kabuuang kakayahan, pagpapakatao at
pakikipagkapwa-tao, pagbubuo ng ganap na pagkabansa at pag-aambag
sa pagpapalakas ng mulat na Kaisahan ng Sangkatauhan at ng Sangnilikha.
(1. Study and propagate the
principles of Human Solidarity, like synergism to enhance total
capability, developing and relating as humans, building full
nationhood and contributing to the conscious Solidarity of
Humankind and of the entire Creation.)
2. Magbuo ng aktwal na mga pagsasanib-lakas, gaya ng
malulusog na samahan, pormal man o di pormal, para sa mga layuning
masaklaw o partikular, pangmatagalan o pangmadalian lamang, at
pag-ugnay-ugnayin ang lahat ng mga samahang ito sa balangkas ng
mas matatag at mas malawak na Kaisahan.
(2. Build actual synergies, like
healthy organizations, whether formal or informal, for broad or
particular aims, and for long-term or short-term work, and link up
all these organizations within the frtamework of firmer and
broader Solidarity.)
Bahagi
3.
Pamamaraan ng Pamayanan
(Part 3. Approaches of the Pamayanan)
Sa pagtataguyod ng mga simulain at layunin nito, ang
Pamayanang SanibLakas ay sasalig sa sumusunod na kaparaanan:
(In pursuit of these principles and
aims, the Pamayanang SanibLakas shall work along the
following approaches.)
1. Pagiging mapagkaisa sa lahat ng gagawing
pagpapasya at magbabatay lamang sa diwa ng mga simulain. Hindi
gagawa ng mga pahayag at pagkilos na manghahati o magpapalubha ng
mga pagkakahati sa hanay ng mga mamamayan.
(1. Being unitive in all
decision-making and will base itself only on the spirit of the
Principles. It shall not make any pronouncement or decision that
will divide the people or worsen division among them.)
2. Batay sa simulain ng pluralismo, isusulong ang
lakbay tungo sa pagresolba ng mga kontrobersya sa hanay ng
mamamayan nang malinaw na may tapat na pagkilala at paggalang sa
lahat ng nagbabanggaang panig sa hanay ng mamamayan.
(2. Based on the pluralism
principle, the resolution of controversies among the people shall
be pursued with clear ackniowledgment of, and respect for, all the
varying viewpoints among the people.)
3. Pasisiglahin ang pagbubuo ng mga pagtatambalan
(partnerships) sa hanay ng sari-saring samahan at institusyon
upang maisulong ang samu’t saring mga gawain, sa diwa ng
bayanihan at pagsasanib-lakas ng lahat ng may maitutulong at may kahandaang
makipagtulungan.
(3. Partnerships among various
organizations and institutions shall be encouraged in the pursuit
of widely varying tasks, in the spirit of the “Bayanihan” and
building synergies among all who can help and all who are willing
and able to join in mutual-assistance arrangements.)
Bahagi
4.
Mga Asal ng Kaanib at Kasapi ng Pamayanan
(Part 4. Ethics of Pamayanan
Affiliates and Members)
Ang mga tunay na kaanib at kasapi ng Pamayanang
SanibLakas ay pangunahing makikilala sa pamamagitan ng kanilang
palagiang pagsasabuhay ng sumusunod na asal:
(The real affiliates and members of
Pamayanang SanibLakas shall be recognized mainly by their
living consistently by the following ethical tenets:)
1. Mulat at palagiang sipag at sigasig na masinsinang
pag-aralan at buhay na ilapat ang prinsipyo ng pagsasanib-lakas sa
pang-araw-araw na mga pananagutan at gawain, at tuluy-tuloy na
paunlarin ang katatagan at kahusayan sa pagsasabuhay ng
prinsipyong ito.
(1. Conscious and constant
diligence and enthusiasm to study and apply in a living way the
principle of synergism to their daily responsibilities and tasks,
and continual development of consistency and skill in living by
this principle.)
2. Sigasig at tiyaga na likhain at gamitin ang lahat
ng maiinam na pagkakataon upang palamigin o pigilan and mga alitan,
papag-usapin ang mga hindi nag-usap, pag-ugnayin ang di nag-uugnayan,
at paghigpitin ang pagtutulungan ng mga magkakasama na sa
paglilingkod sa lipunan. Tuluy-tuloy na paglilinis at pagpapatatag
ng kalooban upang hindi mahatak sa alinmang panig ng mga hidwaang
hindi nararapat. Kahandaang maging mga “buhay na tulay” laluna sa mga
alitang bunga lamang ng di-pagkakaunawaan.
(2. Enthusiasm and patience to
create and utilize all favorable opportunities in order to cool
down conflicts or prevent them altogether, to draw into dialogue
those who do not want to talk, to link up the unlinked and to
strengthen the bonds of cooperation among fellow servants of
society. Continual cleansing and strengthening of the inner will
to prevent getting drawn into any which side of an unnecessary
conflict. Readiness to become “living bridges” especially in
conflicts arising from misunderstandings.)
3. Kahandaang pumaloob sa isang pangkat o komite at
magtrabaho sa loob niyon bilang isang masipag at mahusay na
“team-player.”
(3. Readiness to work in a team or
committee and be a good “team player.”)
Bahagi
5.
Simpleng Istruktura at Kaugnayan
sa SanibLakas Foundation
(Part 5. Simple Structure and
Relationship with the SanibLakas Foundation)
Ang Pamayanang SanibLakas ay magdaraos ng
Taunang Kapulungan at magkakaroon ng isang simple at maluwag na
istruktura, ayon sa kapasyahan ng SanibLakas ng Taongbayan
Foundation General Assembly na siyang lumikha nito. Kikilalanin
bilang pangunahing pamalagiang katambal ng Pamayanang
SanibLakas ang SanibLakas ng Taongbayan Foundation na siyang
pasimuno, gabay at tagapagtaguyod nito.
Binibigyang-laya ang SanibLakas Foundation na magpasimuno
ng mga proyektong magbibigay-bentahe sa mga samahan at indibidwal
na tahasang aanib at sasapi sa Pamayanang SanibLakas.
Pamayanang SanibLakas shall
hold an Annual Assembly and shall have a simple structure, in line
with pertinent decisions of the SanibLakas ng Taongbayan
Foundation General Assembly which created it. The Pamayanang
SanibLakas shall recognize as permanent partner the SanibLakas
Foundation, which initiates, guides and supports the Pamayanan.
SanibLakas Foundation is free to lauch projects that would give
advantages to organizations and individuals who shall have
categorically joined the Pamayanang SanibLakas.)
Ang anumang pagbabago rito sa Kalatas ng
Kaisahan ng Pamayanang SanibLakas ay
ihahapag para sa pagpapatibay ng tinutukoy na General Assembly.
(Any amendment to this Charter of
Solidarity of Pamayanang SanibLakas shall be proposed for
adoption by the SanibLakas Foundation General Assembly.)
|